Chapter 5

522 13 0
                                    


Ano daw? papatayin niya daw ako sa pagmamahal niya? nababaliw na talaga ata siya. Napaka bigdeal para sakanya na pinatay ko s'ya sa storage room.

tss, makapagbasa na nga lang. Nasa Library kami ngayon, at nagbabasa. May 30 minutes pa naman kami.

"Ahm Avery, Nakita mo ba ang necklace ko?" tanong sa 'akin ni Amy.

"Necklace? ano ba pendant non? para matulungan kitang hanapin 'yon"

"Hugis heart yun, tapos nabubuksan may picture yun sa loob, ako at ang bestfriend ko. Mga bata pa kami non" sagot niya, napakalumay ng boses niya.

"Oh ok, mahaba ba buhok ng bestfriend mo?" inosente kong tanong, habang naghahanap sa mesa namin, iniaangat kopa ang mga libro.

"Ahh, hindi! lalake ang bestfriend ko d'on" sagot niya.

Tumango tango naman ako, at sa huli di namin nahanap ang necklace niya.

"Baka naiwan mo sa cafe" sabat naman ni Aly.

"Oo nga, diba nabangga ka ni Sir Zero kanina? baka nahulog yun di lang naisama pagbigay baka napunta sa ilalim ng lamesa" sabad din ni Jedrek.

"Ah, sige" kaya naman sinamahan namin siyang pumunta sa cafe para hanapin yun.

Malapit na magsimula ang class di pa din namin nahahanap ang necklace niya.

"Jusqo, importante pa naman 'yon sakin, sana naman kung sini nakapulot non, maibalik sa 'kin" Bumalik nalang kami sa kanya kanya naming pasok.

After namin sa Klase namin, nagtaka kaming apat ng may nagkukumpulan sa labas, hindi sana ako sasali kaso, hinila ako ni Amy at Aly. Kaya naman nakipagsiksikan kami.

Its a lamborghini, color black. Wait, familiar. Parang nakita kona to ah!

Oh Shit! Monday pala ngayon! Sasakalin ko talaga si kuya Lucas!

Bumitaw ako kay Aly.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Aly, nakatingin pala silang tatlo saken.

"Basta" sagot ko at nakipagsiksikan sa mga tao, lumapit naman ako sa sasakyan.

Narinig ko ang mga bulong- bulongan. Kung kanina nagtitilian sila, ngayon kulang nalang na patayin nila ako sa tingin.

Nakatayo lang ako sa harap ng sasakyan, nakita ko si Kuya na nag eenjoy habang nakikinig ng music ata.

Wow, di pa talaga ako napansin ah! Argh! So i call him... Medyo matagal din sya nakasagot.

[Oh hello little sis, where are you? kanina pa ako dito]

Sagot naman niya.

"Asan ako? eh sino tong nasa harap ng pisteng sasakyan mo?!" inis kong bulyaw sakanya.

Agad naman siyang bumaba at nginitian ako, di pa din napuputol ang tawag.

[Hey! dont call my Baby a piste!] inis din niyang sagot.

Isip bata talaga tong alien na butiking 'to.

"Eh gusto ko eh! pisteng baby mo!" at pinatay ko ang tawag.

"Hi little sis!" akmang ihuhug niya ako ng umatras ako.

"Uh-uh, no. Bakit ito ang dala mong sasakyan? Diba sinabi kona sayo na--"

Naputol na ang sasabihin ko ng makita ko si Sir Sean, at ang mga kaibigan niyang prof syempre kasama si Ma'am Jillian. Nakatingin sila sa amin.

Gosh! baka ma issue nanaman ako sa sarili kong kapatid. Hayaan mona nga, naiinis pa ako sa Alieng butiking to.

My Prof is my LoverWhere stories live. Discover now