Avery's POV
Pagising ko kinabukasan, ambigat ng buong katawan ko, at masakit din ang ulo ko na anytime sasabog na 'to. Nilalamig din ako kaya tinago ko sarili ko sa comforter, iniabot ko ang cellphone ko at 5:20 pa ng umaga kaya natulog nalang ulit ako.
Parang di pa nag fa- five minutes, ng biglang may mainit na malamig na dumapo sa ulo ko, pagising ko si
"Fuck! Ano ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sakanya.
"Inaalagaan ka, masama ba?"
"And why?!" Sigaw ko.
"Kasi may sakit ka, tanga kaba?"
Bigla naman akong nanghina kaya humiga ulit ako.
"Wala kabang klase sir Sean?" Tanong ko habang nasa labas ang tingin.
"Its lunch time" sagot niya, habang pinipiga ang mini towel.
"Totoo? Kanina nong tinignan ko ang oras, 5:20 palang" sagot ko habang nakakunot ang noo.
"Akala molang yun" at lumabas na, problema non? May nasabi ba akong masama?
Pinikit ko nalang ang mata ko, at maya maya pa bumukas ang pinto at naka- amoy ako ng masarap na aroma. Kaya minulat ko ang mata ko at nakita ko si Sir Sean naka apron ng pink.
aww, how adorable, pero piste naman kung wala akong sakit. Siguro na konsensya dahil sa kahanginan niya kahapon.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Soup"
"Para sakin?" Sabay ngiti ko.
Umupo naman sya sa study table ko "No, sakin to, magluto ka ng sayo" sagot niya.
"Shit! Lumayas kana nga lang dito sa bahay!" Inis kong sigaw.
"Just kidding, syempre sayo to, say 'ahh'
Nag ahh naman ako, at hmm masarap ang soup niya.
"Ikaw nag luto?" I asked.
"Nope, yung maid niyo" sarkastiko niyang sagot.
"Ansaya mong kausap" mataray kong sabi.
"Eh kasi naman, halata na nga, nagtatanong ka pa"
"Malay ko ba! Baka gusto mo lang na ma try yung apron dito sa bahay" naiinis kong sagot.
"Excuse me kung apron din ang labanan, mas maganda apron namin!" Naiinis na din sya.
"Heyy! Ang hangin mo naman, eh yang apron namin, galing pa yang korea!"
"Eh samin galing japan!"
"Sa totoo galing Thailand talaga mga apron namin!"
"Mas maganda samin kasi galing California" sabay smirk.
"No! Mas maganda samin kasi galing New york!"
"Galing samin sa antartica!"
"Sa moon akin!"
"Sa milky way!"
"Sa sun!"
"Sa--" pintuol kona ang sasabihin niya.
"Shut up! Apron na nga lang, pinagaawayan pa natin" sabay rolled eyes ko.
"Tss ikaw kaya nauna, sumagot lang ako" sabay lapag nya ng soup sa side table ko.
Kumain nalang akong mag isa kasi wala naman sya dito sa loob, bumalik na siguro sa school.
Pagkatapos kung kumain, na bored ako sa kwarto kaya naisipan kong lumabas para magpahangin, sa terrace lang ako ng kwarto, baka kasi pag bumaba ako at mahilo, baka mahulog pa ako sa hagdan. Habang finifeel ko ang hangin, nakita ko naman si Sir Sean, may kausap siya sa labas ng gate.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.