Avery's POV
At dahil walang pasok, nasa loob lang ako ng bahay, wala ako sa mood gumala, kaya naman ito ako sa kwarto ko, tamang netflix lang habang kumakain. Tyaka mamayang hapon, pupunta akong airport, susunduin ko si Ash ngayon kasi ang lapag niya, tyaka tumawag siya kagabi.
Natapos na ang pinapanood ko kaya naman pasalampak akong humiga sa kama, bigla namang tumunog phone ko, akala ko si Mommy o di kaya mga kapatid ko at si Ash ang nag text yung Unknown pala.
From: Alien 👽💩
Hello, goodnoon.
And yes, alien pinangalan ko, malay koba kung tao ba siya o hindi.
To: Alien 👽💩
Ohhh...
Nilapag kona ang phone ko at nagtatatalon sa kama ko, ugh! Super boring talaga, wala akong ganang lumabas ng bahay, Ewan ko kung bakit.
Pumunta akong terrace, at nakita ko ang mga miad na nagdidilig sa mga halaman, at ang iba naman nag wawalis. Bumalik ulit ako sa loob, at patalong humiga sa kama. Napatingin ako sa phone ko dahil tumunog ulit ito, well dahil boring naman, mapagtripan nalang to.
From: Alien👽💩
What's with the 'Ohhh...' ?
To: Alien 👽💩
Papasok ba si Ma'am?
Napangiti nalang ako sa sinend ko.
From: Alien 👽💩
Hmm, i dont know? Its saturday.
To: Alien 👽💩
May PE ba ngayon?
From: Alien 👽💩
Today? Yes we have, in the bed 😏
Huh? Ano daw?! Bastos ng alien na to ah! Pero siguro iba meaning nito, bahala na nga.
To: Alien 👽💩
Zumba nanaman?!
From: Alien 👽💩
I said in the bed, not zumba, what are you talking about?
To: Alien 👽💩
Ugh kairita, sino may pulbo jan?
From: Alien 👽💩
Aanhin mo ang pulbo, bilhan kita Mall.
Napangiwi nalang ako sa sinabi niya, eh? Seryuso to siya?
To: Alien 👽💩
Ahh wala...
From: Alien 👽💩
Aanhin mo nga!
Pfft, parang galit pa siya ah!
To: Alien 👽💩
Sir...!
Naghintay akong mag reply siya pero antagal naman kaya naman, nilapag ko ulit ang cellphone ko sa bedside table, pumasok muna akong cr para umihi, and then pagbalik ko, may message na ulit ako sakanya.
From: Alien 👽💩
What are you talking about? Hindi mo ako sir, im just a random guy.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.