Isang linggo na ang nakakalipas, puro sakit sa ulo ang iniisip ko.
Birthday ni Mommy ngayong araw, kaya naman ako lang magisa ang nag sho-shopping. Magpapasama sana ako kay Sean, pero busy naman lagi ang phone niya. Magtatampo nga sana ako eh, pero baka may emergency lang. Hindi naman pwedeng ako palagi ang concern and priority niya, may sarili naman siyang buhay. Habang nasa grocery ako, nakita ko si Aly pero di niya ako nakita, lalapitan ko sana kaso bigla nalang tumakbo na para bang may hinahabol.
Naglakad nalang ulit ako papunta sa vegetable section, after ko mag grocery bumalik na ako sa bahay, okay lang naman na mag decorate ako since si Mommy na sa Hospital pa. Nasa kalagitnaan ako sa pag aayos, nag ring bigla ang phone ko.
"Babe?" sagot ko
[Let's meet later] seryuso niyang sabi.
"Yeah sure, anong oras mo 'ko susunduin?" i ask
[H-hindi kita masusundo, busy ako, baka nga ma-late ako mamaya] paliwanag niya.
"Ohh, okay babe, bye. I love you" hinintay ko ang sasabihin niya kaso naputol na ang linya. "Masyado ba siyang busy ngayon?" tanong ko sa sarili ko, napabuntong hininga nalang ako, at bumalik na sa ginagawa ko.
Kinahapunan, natapos ko na ang lahat, di na ako nag imbita ng bisita, mas maganda kasi kung kami ang magkakasama, para naman magkaroon kami ng bond sa isa't isa. This past few weeks, halos di na kami nagkikita, kahit na sa breakfast at dinner hindi na kami nagkakasabay. Minsan nauna si kuya or ate na kumain minsan din nahuhuli.
Tinatry kong tawagin si Mommy kaso nakapatay ang phone niya, kaya yung nurse na kilala ko nalang kinon-tact ko.
"Hello goodevening Ate, anjan pa ba si Mommy?" tanong ko.
[Ahh yes, nasa OR pa siya, malapit na rin siguro yun]
"Paki sabi nalang po na tawagan ako after niya jan."
[Yeah sure Ma'am Avery] at naputol na ang tawag namin. Nagpatulong na ako sa mga Maid na ihain ang mga pagkain namin sa dining, tinawagan ko na si Ate at Kuya and thanks god, free sila both.
Maya maya pa tumawag na si Mommy sa akin, excited naman akong sinagot yun.
"Hi Mom, where are you?" i ask.
[Nandito padin, di pa ako nakakalayo sa Hospital, its so traffic sweetheart] sagot naman ni Mom.
"Okay, can't wait to see you Mom" nakangiti kong sagot.
[Me too, mag bonding tayo tonight or tomorrow! Magleleave ako, para magkasama tayo sa birthday ko, mag beach tayo or mag picnic! Namimiss kona kayo eh] natawa naman ako ng mahina.
"Yeah sure Mom, namimiss kona din yung kakulitan n'yo!" Sagot ko naman, tumawa lang si Mommy.
[By the anak anak, papunta ako sa Daddy mo, susurprise ko siya!] nanlaki agad ang mata ko sa narinig. [Iinvite ko din sya sa dinner natin, cause why not? Its my Day, i know pagbibigyan niya ako, right? I miss him too]
"W-what? Mom! Its a bad idea—"
[Bad Idea? What do you mean?]
"Mom, tatawagan ko nalang si Dad okay? Umuwi ka na po dito, ako na bahala kay Dad!" Nagpapanic na sabi ko, fuck.
[Ako na, since andito naman ako, don't worry i'll be fine. Wait, mamaya nalang anak, im driving] at binaba na niya ang tawag.
"No, no, no, no! Di pa pwedeng malaman ni Mommy, lalo na Birthday niya pa ngayon! Shit" triny kong tawagan si Dad, pero can't be reach naman siya, si Kuya din busy ang linya, kaya naman si Ate nalang tinawagan ko.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.