Sumapit ang umaga, di ako masyadong nakatulog. Yun lang ang nasa isip ko buong gabi. Nakatulog na sana ako, pero nagising din naman agad ako.
"Mag ingat kayo mga anak" nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Daddy. Wala akong ganang makipag usap nino man.
"Opo Daddy, kayo din" sagot naman ni Ate.
"Alis na kami Dad" nagbeso silang dalawa kay Daddy. Ako naman deristo lang papuntang sasakyan.
"Avery! Hindi kaba magpapaalam sakin?" napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ng Daddy. Nilingon ko naman sya at nginitian.
"Bye Dad" at pumasok na ako sa kotse, sa backseat na ako umupo, baka pagtulungan ako ng dalawa dahil sa inasal ko. Maya maya pa, pumasok na si Kuya, habang si Ate naman nakikipag usap pa kay Daddy.
"Avery, anong nangyayare sa'yo?" seryusong tanong saken ni Kuya.
"Don't mind me, wala ako sa mood" walang emosyong sagot ko.
"If you are not in the mood, should you treat daddy like that?" until now Kuya is still in a serious face.
"Its not like that." at hindi na ako nagsalita pa. Tyaka naman pumasok si Ate, lumabas na din si Kuya at sumakay sa sariling kotse.
Tinignan naman ako ni Ate."Anong nangyare?" tanong niya saken, binabasa kung ano ang iniisip ko.
"Wala, lets go. Baka malate pa ako. Tyaka ihatid mo ako sa bahay, may kukunin akong project" i lied, good thing she nooded. Kailangan kong sundan si Daddy, kung saan man siya pupunta
Pagdating namin sa bahay, tinigil agad ni Ate ang sasakyan.
"Pakisabi kay Mom na, di na ako pumasok. Baka ma late pa ako sa trabaho" tumango naman ako at pumasok na sa loob. Naabutan ko si Mommy na nag cocoffee.
"Hi Mom, Goodmorning!" masaya kong bati. Hindi niya dapat malaman kong ano ang nasa isip ko.
"Oh Goodmorning Baby, akala ko deritso kana sa school" nakangiti pa si Mommy. Ewan ko kay Dad. I dont know if nag che- cheat ba siya or hindi. Pero ako 'yong naaawa kay Mommy.
"I love you, Mommy" sabay hug ko sakanya, niyakap ko siya ng sobrang higpit, 'di na rin siguro napigilan ng mata ko, kaya tumulo ng kusa ang luha ko.
"Oh baby, what's happen? are you ok? pinagalitan kaba ng Daddy mo? what's wrong? tell me" may halong pag- aalala ang boses ni Mommy, kaya naman niyakap din niya ako.
"Nothing Mom, i just... i just missed you, so just let me hug you"
"I miss you too baby. Oh siya, mag ready kana, baka ma- late ka. Teka, bakit ka pala umuwi pa dito?" tanong niya.
"Ahm, m-may kukunin lang ako sa taas." tumango naman siya at umakyat na ako. Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa bed side table ko. Paglabas ko ng Bahay, sumakay na ako sa kotse ko. Syempre dahil may practice kami ngayon sa sayaw nag chat muna ako sa ginawang group chat ni Aly.
GROUP 2: HIPHOP
@Avery Laine Kim
Mamayang hapon nalang tayo magpa- practice. im sick.
And then in- off kona ang phone ko.
Bumalik ako sa bahay ni Daddy, and timing namang kakalabas palang niya sa gate. Sinundan ko siya, pero hindi ako nagpahalata. After 1 hour and 30 minutes, nakarating kami sa isa sa mga beach resort ni Dad.
Sean's POV
Pagpasok ko sa loob ng classroom, nakaupo na silang lahat, at naka PE uniform, may practice pala sila ngayon. Napabaling naman ang atensyon ko sa gawi nina Jedrek. Kaso wala si Avery. Baka late nanaman yun, kaya mamaya kona itatanong.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.