"Mommy, malapit na Family day namin." Biglang sabi ni Aiden habang nag didinner kami.
"Kailan?" Tanong ko.
"Sa Friday po, pupunta ba si Daddy?" Tanong naman ni Shainah.
"Tatanungin ko bukas." Tuesday ngayon, at sa Friday na. Malapit na din pala, sasabihan ko si Sean mamaya, araw araw naman yun dumadalaw sa Hospital.
Hinatid ko lang sila sa school at dumeritso na ako sa Hospital, magraround lang ako ngayong araw, titignan yung mga inoperahan ko. Hindi naman masyadong busy ngayon.
"Hi po, kumusta po kayo?" Tanong ko sa isang pasyente.
"Ayos lang po Doc, pero hindi ko pa po masyado na nagagalaw ang katawan ko." Sagot niya naman.
"Sige po, babalikan po kita dito" nagtungo naman ako sa isa kung pasyente at tinanong din. Pagkatapos, break na kaya naman inayos ko mga gamit ko sa opisina. Biglang may kumatok kaya pinapasok ko na.
"Hi.." bati niya sa akin na may ngiti. May dala siyang paper bag ng mcdo. "Lunch?"
Nginitian ko lang siya at inayos ang mesa para doon kami kumain.
"Kumusta araw mo?" Tanong nito.
"Ayos lang, by the way." Paninimula ko, at nilunok ang kinakain ko, napatingin naman ito sa akin. "This Friday, Family Day nina Shainah and Aiden, pupunta ka?" Tanong ko at tumingin sakanya, nakatitig lang ito sa akin. "Pero kapag hindi, ayos lang naman. Its okay, maiintindihan naman nina Shainah and Aiden kasi you know, you're busy, tyaka—"
"Family Day.." bulong nito. Tinignan ko lang siya, at bigla itong nag angat ng tingin at nginitian ako .
"Woah, are you sure? Pupunta ako?" Tanong nito.
"Oo naman, yun yung sabi ng mga bata."
"Fuck" bulong nito, at tinignan ako ng masaya. "This is my first time.. uhm, ano ba ginagawa don? Uhh.. games? Bond?" Excited na tanong nito.
"Y-yeah, are you okay? Uminom ka muna." Sabay abot sakanya ng tubig.
"I'm happy, im sorry.. first time ko lang aattend ng family day with them... With you.. A-as family.. hahaha!" Napangiti naman ako sa naging reaction niya.
Mabilis ang araw at Friday na, sabay kaming nagtungo sa paaralan, kaso nauna na yung kambal ng makita ang mga kaibigan, pumasok na din kami ni Sean, at binati kami ng nga Teacher.
"Goodmorning Ma'am, Sir" bati sa amin ng guro ni Shainah and Aiden. "Sinong bata po?" Tanong nito.
"Villian— i mean Perez twins." Sagot naman nito, napakagat naman ako ng labi ko.
"Ohh, ikaw po ang Daddy nila?" Tanong ulit ng Guro. "This is the first time i saw you sir." Nakangiting sabi ng teacher.
"Yeah, just busy." Seryusong sagot ni Sean.
Narinig ako ng mga bulong bulongan ng mga nanay, hindi ko naman ipagkakaila na gwapo pa din si Sean kahit na nasa 30's na siya, para lang siyang 24 kung tignan, nagbago nga lang ang hugis ng katawan niya.
"Ang pogi nong naka blue, kapatid ba siya nong kambal?"
"Baka Tito, sinama lang siguro, kasi balita ko walang tatay yung kambal eh."
"Baka kapatid nong nanay."
Tumikhim naman ako, hindi ba nila alam na nasa tabi lang nila ako? Andon kasi si Sean sa mga anak namin, at nilalagyan ng bimpo ang likod kahit na hindi pa pinagpapawisan.
"Actually, he is my husband, totoong ama ng kambal." Biglang sabad ko, kaya napatingin sila sa akin na gulat na gulat.
Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda? Bakit gulat na gulat kayo? Oo alam kung bata ako tignan duhh.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.