Chapter 27

26.8K 817 470
                                        

Mariana Montereal-Rome

"That was a beautiful service" mahinang wika ko kay Levie habang hawak nito sa kamay si Lilith at naglalakad.

"It was.." tipid na ngiti nito saakin. "I know she loved it" tuglong pa nito habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan.

Dalawang linggo na kaming nandito sa States para dalawin si Nathalie at para makasama siya ng kaniyang anak.

At dalawang araw na ang nakalipas nang mamaalam ito. Kumpleto ang pamilya nito sa kaniyang tabi, katulad nalang din ng kaniyang hiling ilang linggo bago ito mawala.

Hindi naging madali ang mga pangyayari para kay Lilith dahil simula bata ito ay ngayon lang siya nawalay sa kaniyang ina. Matalino siyang bata at alam kong naiintindihan niya ang mga nangyari pero hindi mo padin maiaalis ang natural na reaksyon ng isang anak na nawalan ng magulang.

Napagkasunduan namin ni Levie na mananatili muna kami rito sa States kasama ang pamilya ni Nathalie. Nagaalala kaming dalawa para sa kapakanan ng bata kaya minabuti muna naming nakapalibot siya sa kaniyang support system.

Nagpaiwan muna si Lilith sa kaniyang mga Lolo at Lola na siyang katuwang ni Nathalie noong mag-isa nitong inaaalagaan ang bata. Habang kami naman ni Levie ay bumalik muna sa bahay para makapag-pahinga.

Ito ang bahay na naipundar ni Levie dito sa states noong nagsimulang lumago ang kaniyang business. Hindi niya ito binenta noon dahil nasa isip niya ang bumalik muli.

"Go get some rest, Love" wika nito at hinalikan ako sa noo.

Dahil narin sa pagod ay hindi na ako nagprotesta. Nararamdaman kona din ang kakaibang pakiramdam dala ng pagbubuntis ko.

2 and a half weeks ago nang malaman ko na nagdadalang tao ako. Ngunit hanggang ngayon ay hindi kopa ito nasasabi kay Levie. May halong takot at lungkot ang nararamdaman ko. Nakita ko kasi kung gaano ito nasaktan sa pagkawala ng una naming naging anak kaya gusto ko munang masiguro na okay ang lahat. Isa nading dahilan ng hindi ko pagsabi ay ang sitwasyon na nadatnan namin pagkarating dito sa states.

Kinabukasan ay pumunta kami sa bahay ni Nathalie at doon nag-lunch kasama ang pamilya nito. Makikita mo ang lungkot sa kanilang mga mukha pero nandoon ang sigla dahil magkakasama sila.

"Masakit man pero mas masakit para saakin ang makita siyang nahihirapan at nasasaktan araw-araw.." wika ni Tita Wendy na Mama ni Nathalie habang kumakain kami.

"Alam ko masaya siya na nakikita tayong kumpleto ngayon. At pakiramdam ko na nandito lang siya," tipid na ngiti naman ni Tito Troy na Tatay ni Nath.

Nandito din si Xen. Sa mga huling buwan ni Nathalie ay hindi niya ito iniwan. Ilang taon din palang may on and off relationship ang dalawa. At sa mga nagdaang buwan ay nalaman nila ang tunay na nararamdaman nila para sa isa't isa.

Napatingin ako kay Levie na nakaupo sa tabi ko ngayon at hindi ko napigilang mapahaplos sa kaniyang hita at sabay yakap sa kaniyang braso.

"What's wrong, baby?" nagaalalang tanong nito saakin at inakbayan ako.

Tanging iling lang ang naisagot ko dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako. Bigla kong naisip, paano kung bigla rin siyang mawala saakin?

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon