Chapter 26

20.6K 751 167
                                    

Mari's POV

I laid down with a heavy heart. Umuwi ako na madilim at tahimik ang bahay. Tinawagan ko si Levie at tinanong kung nasaan na ito ngunit mukhang malabong makakauwi siya ng maaga. Humingi rin siya ng pasensya dahil hindi niya ako nasamahan sa unang gabi ng event na ginanap kanina.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Lilith. Naisipan kong dito na lamang matulog kaysa sa mag-isa ako sa kabilang kwarto. At dahil late narin, naabutan ko nang tulog ang bata.

Nagising ako nang marinig kong umiiyak ito and at the same time basa ang kama.

"It's alright, baby.. hush now" paga-alo ko rito dahil patuloy parin ang kaniyang pag-iyak. "It's just a bad dream okey.. Tita Mari is here" pagyakap ko rito.

Hindi rin nag-tagal at tumahan na ito. Tuluyan akong bumangon sa kama at kumuha ng kaniyang bagong damit pati narin ng bagong comforter.

Nang mapalitan na namin ang PJs at comforter nito ay natulog kami ulit habang yakap-yakap ko siya.

Napa-buntong hininga ako dahil halatang may bumabagabag sa isipan ng bata dahilan para magkaroon ito ng nightmares at maka-experience ng bed wetting.

Nang sumunod na araw ay maaga akong nagising. Nagulat ako nang malaman ko sa mga kasambahay na hindi pala umuwi si Levie kagabi.

Tinawagan ko siya at halata na bagong gising ito

"Hindi ka umuwi?" kalmadong tanong ko.

"I'm sorry.. I have a lot of unfinished papers and hindi ko namalayan na dito na pala ako nakatulog"

"Sa office?"

"Yes, hon.." I heard her sigh on the other end. "Look.. I'll just call you later okay"

"Okay.." sagot ko. "I love you" wika ko ngunit binaba na pala nito ang tawag.

Huminga ako ng malalim. Baka nga siguro marami siyang inaasikaso sa kumpanya niya.

Sunod kong inasikaso si Lilith dahil papasok ito sa eskwelahan.

"Can I just come with you, Tita Mari?" tanong ng bata habang nakatitig sa breakfast nito.

"Do you have problems in school, honey?" concerned kong tanong dito.

Umiling siya bilang sagot.

Minabuti ko nang ihatid si Lilith sa eskwelahan bago ako pumasok sa opisina.

Nang makarating ako sa opisina ay naging busy na ako at hindi ko na namalayan pa ang oras. Ikalawang araw ngayon ng event pero napag-desisyunan ko na huwag nalang muna dumalo.. siguro bukas na lang lalo na't bukas pa naman ang pinaka highlight ng car show.

Sinadya kong makalabas kaagad dahil nagaalala ako para sa kalagayan ni Lilith. Hindi na muna ako dumalo sa second day ng car show. Sasabihan ko si Levie tungkol sa bata kapag nakauwi na siya sa bahay dahil paniguradong marami pa siyang ginagawa ngayon.

Dumiretso kami sa mall ni Lilith matapos ko siyang sunduin sa eskwelahan. Kasalukuyan naming kumakain sa isang restaurant nang may itanong ito

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon