Levie's POV
"Ma'am nag-pumilit po kasi e"
"Edi sana tinawag mo ako kaagad" Iritable kong wika habang nagda-drive pauwi.
"Makulit po kasi talaga siya Ma'am" frustrated nading sabi ng aking caretaker.
Hindi ko mapigilang tapakan ang pedal ng kotse ng mas madiin para bumilis ang takbo nito pauwi sa bahay ko.
"What do you think you are doing??" hindi ko
makapaniwalang tanong kay Mari nang datnan ko ito na kasalukuyang nagta-tanim ng halaman sa bakuran ko.
"Planting trees" kibit-balikat niyang sagot habang may hawak na malaking pala. Kaagad ko itong kinuha sakanya dahilan para mag-protesta siya. "Levie!!"
"Yes. I know you are planting trees. But you are pregnant for heaven's sake! Baka nakakalimutan mo 'yun?"
"Hindi naman ako nagpapa-pagod ah. Tsaka nakaka-relax kaya 'to" sagot niya at nagbabalak pang kunin ang pala saakin.
"Hep! No. Go inside.. alam mo namang maselan ang pagbu-buntis mo tapos magta-tanim ka? Sabi pa nila Manang Yolly, ikaw ang nag-buhat nung isang malaking halaman kanina" pigil emosyon kong sermon sakanya.
"Okay" simpleng sagot nito at humalukipkip. "Do it for me then"
"Ha?"
"Do the planting" naka-ngisi na utos nito saakin.
Nag-pout siya noong tinaasan ko siya ng kilay. "And why will I do that? I can call my landscaper to do this for me"
"Because you love me" kibit-balikat nitong sabi.
Shoot. She's playing '"the" card already.
But then I have no choice but to obey the queen. My queen.
I started unbuttoning my blazer and stripped it off dahil naka-white shirt naman ako na panloob. Ngiti-ngiti naman si Mari noong ginawa ko 'yon habang naka-upo siya sa tabi at umiinom ng juice.
Hinubad ko nadin ang heels ko at tinupi ng kaunti ang slacks ko. Mukhang mapapasabak ako dahil hindi lang isang halaman ang nandito.
"Saan mo galing ang mga ito?" tanong ko sakanya habang sinisimulan nang mag-hukay. May kaunting kaalaman din naman ako sa landscaping kaya alam ko na agad ang gagawin ko sa mga halaman na ito. I personally designed this garden for this house of mine dito sa Pilipinas.
"I ordered it online"
Magi-isang linggo na siyang nakatira dito dahil after Christmas ay pinayagan na siya ng Dad niya na sumama saakin tutal daw ay engaged na kami. Naku, ayaw lang niyang aminin na pasadong-pasado ako sakanya. Joke.
Madalas ang rant niya ay naiinip daw siya dahil naiiwan siya dito tuwing umaga dahil pumapasok ako sa opisina at nakikipag-meeting sa mga iba't ibang clothing lines dito sa Pilipinas na gustong makipag-collaborate saakin. Kaya ayun, sabi ko sakanya ay she can do whatever she wants para hindi siya mainip masyado. She can visit the entertainment room on our third floor and the arcade room as well.
Natatandaan kopa ang tanong nito saakin noong una siyang nakarating dito, "Ang laki naman ng bahay mo" wika niya habang tinatanaw ang bahay ko na hanggang 3rd floor.
BINABASA MO ANG
Fire & Silk (GxG)
Roman d'amourR-18. Language: Tagalog. G!P Levie, an intersex, who is having a vacation after years of hardwork in the fashion industry met the most random woman in the world, Mariana. CAUTION: some chapters have explicit content. Started on Dec, 2019. Finished...
