Levie Montereal-Rome
"Come on babe, ask it for me" bulong nito saakin.
"Okay. Okay" buntong-hininga ko at lumapit sa cashier. "Miss meron ba kayong lutuan dito?"
"Po?" nagtatakang tanong nito. "Uhm, butane gas po ba? Doon po sa kabilang shelf"
"No, as in lutuan. Gas range or gas stove"
"Uh, meron po..?" nagtataka paring sagot nito.
"Can I ask you a favor? My wife is craving so we bought these chicken nuggets. Pwede ba naming gamitin ang lutuan ninyo?" kahit ako yata ay nahiya sa tinanong ko.
"Sige po, Ma'am" sagot naman nito at sinabihan kami na sundan siya sa may isang pintuan na may nakasulat na
Restricted Area
DO NOT ENTER
Employees OnlyInalalayan kami ng staff at pinasalamatan ko ito. Sinabihan ko ito na kami nalang dahil baka may pumasok na customer.
Alas-dos na ng madaling araw at sinumpong ang asawa ko ng kaniyang paglilihi. Kaya nandito kami ngayon sa isang 24/7 convinience store, at kasalukuyang nagluluto ng chicken nuggets.
Kaysa naman sa sungitan ako nito ay sinunod ko ang kaniyang gusto. Mahirap na baka layasan ako. Hindi ko maipagkakaila na hanggang ngayon ay kinikilig padin ako tuwing naiisip ko na asawa ko na si Mari. Dalawang linggo na kaming kasal at wala akong ibang naramdaman kung hindi saya.
"Gusto ko yung burnt ng kaunti" request pa nito habang nakayakap sa braso ko at hawak hawak ang nakasupot na ice cream.
"Can you buy some plate and spoon and fork?" tanong ko rito na sinunod naman niya.
Bumalik siyang muli na may hawak na isang bundle ng paper plate at isang set ng spoon and fork.
"Ang dami naman niyan?" tanong ko.
"Like as if nagbebenta sila ng tingi diba" pagsusungit nanaman nito saakin. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti sa kilos nito ngayon. Imbis na mainis ako, lalo akong natutuwa sakanya. Lalo na pag naiisip kong buntis siya sa mga anak namin.
Yes, we are having a pair of twins. 'Yun palang ang alam namin so far dahil gusto namin na surprise ang magiging gender ng mga ito.
"Thank you so much, Miss and pasensya kana sa abala" wika ko rito at inabutan siya ng PHP1,000 tip. Ayaw pa nga niyang kunin noong una but I insisted since what she did for us was beyond her job.
Umupo kami doon sa mga upuan sa harapan ng store. May lamesa din kasi ito na pwede pagkainan.
"Hmmmmm" mahinang wika ni Mari nang makain na niya ang kanina pa niyang inaasam na chicken nuggets na isinawsaw sa ice cream.
She's wearing my oversized hoodie and jogger pants. She looks ethereal underneath the glow of the moon. Napansin ko nga na lalo siyang naging blooming ngayong buntis siya kahit na madalas ay inis siya saakin. Parang hindi naman kasi siya si Mari kung hindi siya iritable at masungit diba?
"What?" nagtatakang tanong nito nang mapansin niyang nakatitig ako sakanya.
"Nothing" I smiled and kissed her.
"Ayaw mo ba?" tanong nito.
Umiling ako. "Makita lang kitang kumakain, busog na ako"
Sinimangutan naman ako nito. "Hindi mo bagay yang mga pick-up lines na ganyan. Tumigil ka" pigil tawa nito.
"I'm sleepy" bulong nito at yumakap sa braso ko.
"Solved?" tanong ko at tumango naman ito bilang sagot. Tumayo na kami at niligpit ko ang mga pinagkainan niya.
Sumakay na kami sa kotse at binaybay ang daan pauwi sa farm. Simula noong ikinasal kami ni Mari ay pinili niyang dito na muna manirahan at nag-request ito na kung pwede ay mag-leave muna kami sa trabaho. Kahit naman hindi niya 'yon hingin ay 'yun talaga ang gagawin ko.
Binili ko ang property na ito para sa pamilya namin ni Mari. Ipinangalan ko ito sakanya bilang regalo ko sa aming kasal. Alam ko rin kasi na ganitong buhay ang pangarap ni Mari kapag nag-settle na siya. Ang property na ito ay limang hektarya. Mayroon kaming alagang baka, kalabaw, kabayo, kambing, manok at baboy. May mga tanim kaming puno tulad ng manga, dragon fruit, grapes at saging. Mula sa malayo ay makikitang nakatayo ang isang malaking bahay na kahoy ang disenyo. Habang nasa kabilang banda naman ang mga maliliit na bahay na tinitirhan ng aming mga trabahador at kasama sa bahay.
Si Lilith naman ay araw-araw gumigising sa umaga para pakainin ang mga alaga nitong sisiw. Nakakatuwa nga dahil siya mismo ay nag-initiate sa pagaalaga sa mga ito. At kahit papaano ay nalilibang siya at nakakalimot sa pagkawala ng kaniyang Mama Nathalie.
Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa farm at pinagbuksan kami ng gate ng mga guard na naka-duty ngayong gabi.
Inalalayan ko ang antok na antok na si Mari paakyat sa aming silid. Tinabihan mo rito sa kama at niyakap.
"I love you, Misis" wika ko at hinalikan siya sa kaniyang ulo.
"I'm horny" pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa kaniyang sinabi. "Babe?"
Hindi ako sumagot at kunyari ay nakatulog na.
"Baby!" napasigaw ako nang bigla nitong hinawakan ang ibaba ko.
"See? I know the both of you are still awake" ngisi nito.
At sa gabing ito, may mga lumuhod na tala at may oral recitation na naganap.
-
Yes, I miss them too.

BINABASA MO ANG
Fire & Silk (GxG)
RomanceR-18. Language: Tagalog. G!P Levie, an intersex, who is having a vacation after years of hardwork in the fashion industry met the most random woman in the world, Mariana. CAUTION: some chapters have explicit content. Started on Dec, 2019. Finished...