Chapter 2

43.1K 1K 142
                                        

Chapter 2

Mariana Montereal's POV

"Congratulations!!" wika ng mga taong nakapaligid saakin pagkatapos kong gupitin ang ribbon na kulay pula.

"Thank you" sagot ko naman at kinamayan ang Mayor ng lugar kung saan itinayo ang bagong branch ng hotel namin. Nandito din ang iba sa mga stock holders ng kumpanya at ang magma-manage ng branch na ito.

Kasalukuyan kong nasa Cebu ngayon. Sinadya kong umuwi ng Pilipinas dahil kailangan ng representative ng pamilya kasi hindi makakadating sila Mom and Dad dahil busy pa sa on-going business sa Australia. Bilang nag-iisang anak, kahit na busy ako sa trabaho ko sa Cardiff ay kailangan kong pumunta ng Pilipinas para dito. Kahit naman na marami na kaming branch at pwede kaming magpadala ng proxy, pero sinisigurado nila Dad na hands-on kami palagi sa businesses namin kahit lumago na ito.

Pagkatapos noon ay nagkaroon ng salu-salo para sa mga dumalo ng ribbon cutting. Nilapitan din ako ng Media at in-interview tungkol sa panibagong success ng kumpanya. Mamayang hapon naman ay may naka-schedule akong photoshoot para sa isang magazine tungkol sa mga business woman in the Philippines. Ako yung napili nila sa cover for this year's issue dahil nagsunod-sunod ang paglago ng kumpanya namin ngayong taon. Hindi lang naman sa Hotel ang business namin kung hindi pati nadin sa furniture na kung saan talaga nagmula ang yaman ng pamilya ko.

I'm a Psychology graduate and kaka-graduate ko lang sa masters ko sa UK which is Clinical Psychology. While attending graduate school, naisip ko na doon nadin mag-work and so far, okay naman. Okay ang facilities doon. Pero I am planning on going back here in the Philippines kapag naipasa kona ang board exams ko for Psychologist. Naisip ko kasi, dito ako nag-aral sa bansang ito, so why not use my knowledge, my power, my education in my own country kung saan in-demand kami? So maybe, years from now, I'll settle here.

Matatagalan din ang balik ko sa UK dahil balak kong mag-pasko dito sa Pinas lalo na uuwi din ang best friend ko na si Chelsea from New York. Sabi nga nila diba, iba ang pasko sa Pinas. Sa ilang taon kong namalagi sa Cardiff, hindi ko maikakaila na iba yung feeling kapag nandito ka.

Pagkatapos ng mini business lunch ay tumuloy ako sa suite ko at nag-ayos para sa photoshoot. Tutal e nandito din naman kami sa hotel ko so pinahintulutan ko ang team ng naturang magazine na dito nalang gaganapin ang photoshoot para hindi hassle.

Pinasuot nila ako ng isang feminine na business attire at inayusan. Ang naka-ayos na set ay parang mini office na may dark background. Mayroon ding mga studio lights sa paligid. Nang matapos akong ayusan ay inumpisahan na naming ang photoshoot. Iba-ibang pose ang ginawa ko. Hindi rin naman ako bago sa ganito dahil growing up, madalas ay kami ang nasa cover page or front page ng mga business magazines o di kaya naman ay sa newspaper.

Matapos ang photoshoot ay in-interview nila ako sandali, nanghingi ng tips and thoughts about our business. Kahit naman hindi ako business grad e marami akong alam sa business naming dahil tinuturuan ako nila Mom and Dad. Buti na lang ay hindi katulad ng mga magulang ko yung mga magulang ng mga nababasa kong libro o di kaya naman ay napapanuod ko na pelikula kung saan dapat ang anak nila ay business related ang kukunin para ipagpatuloy ang yaman ng pamilya. Nah, they let me chose what career I want in the future pero kailangan ko padin tumulong sa pagaasikaso sa kumpanya dahil wala naman akong choice kung hindi saakin mapupunta ang lahat ng ito kung sakali mang tumanda na at mawala ang mga magulang ko.

Pagod na bumalik ako sa suite ko at nagpahinga sandali. Maya maya naman ay tumunog ang cellphone ko, "Hello?" sagot ko habang nakapikit parin.

"Good Evening po Ma'am, na-confirm ko napo ang reservation ninyo sa island" wika ni Winston, driver slash assistant ko dito sa Pilipinas. "Your plane will leave tomorrow morning by 5AM"

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon