Chapter 24

25.7K 796 345
                                        

Mari's POV

"Are you okay?" naga-alala kong tanong kay Levie.

Hinalikan nito ako sa labi at nginitian. "Yes, love"

Hinaplos ko ang likuran nito nang maramdaman kong niyakap niya ako. Kasalukuyan naming nanunuod ng fire dance sa tabi ng dagat. Hindi padin kasi tapos ang kasiyahan sa party. Ang iba ay umiinom at sumasayaw, may iba din na lumalangoy pero dito lang malapit sa pampang dahil delikado nang lumayo pa.

"I was just overwhelmed" bulong nito saakin then I nodded. "Bigla kong naalala yung mga nangyari noon.. yung saya at sakit"

"Naiintindihan ko" wika ko dito.

"But one thing is for sure.. you're the one I love now. So please, sana huwag mo akong pag-isipan" naga-alalang paalala niya.

"I mean it when I told you that I understand. Alam ko naman na hindi naging madali ang lahat ng ito. No need to worry about me, love. Diba pinaliwanag mo naman ang lahat?" and I touched her cheek. "I am actually thankful because you were honest with me"

"Hell, I am. I am serious about you Mari. Hindi na kita pakakawalan. Hindi ko na gagawin yung pagkaka-mali ko noon na nagkalayo tayo ng ilang taon. Never" at hinigpit niya ang yakap saakin.

"Aray! Ang daming langgam!" biglang wika ni Pauline sa tabi namin na ikinatawa namin.

Tumabi ito saakin at hinarap ako. "Mari, thank you"

"Huh?" pagtataka kong tanong.

"For being there with Levie. For accepting her. Akala ko nga hindi na magtitino 'yan. Sobrang daming babae noon" atsaka niya inirapan si Levie. "And also thank you for accepting and trusting her. Swear, ako mismo ang kikitil sakanya kapag niloko at sinaktan ka niya"

Natawa naman ako rito. "Salamat din sa pagtanggap saakin. Naku, ako mismo ang puputol sa sandata niya kapag nambabae siya"

Nag-kwentuhan lang kami doon at sunod ding lumapit ang iba nilang kaibigan na naging ka-vibes ko na kagabi pa. Noong bumalik kami sa cabin kagabi ni Levie, reklamo siya ng reklamo dahil sumakit daw ang panga niya sa kakatawa saamin. Kaagad ko din kasi silang naging close dahil pare-parehas kaming madadaldal at palabiro.

Kasabay na dumating ni Lawrence si Nathalie habang may dala-dala ang mga ito ng pagkain at beer. Nandito din si Bridgette habang ang anak nito na si Jane ay kasama ni Lilith at nagla-laro kasama ang ibang bata. Mayroon din kasing indoor playground itong resort para makapag-enjoy parehas ang magulang at mga bata sa pagsa-stay dito.

"Kamusta si Chels?" tanong ko kay Bridgette. 

"Ayun, busy na lately. Ang dami niyang naiwang trabaho nang umuwi noong holidays e"

"Bakit hindi mo pa kasi itali" biro kong sabi dito. Boto naman ako kay Ate para kay Chelsea. Nakita ko naman na sincere siya sakanya. Umabot pa nga siya sa puntong binitawan niya yung politika para sakanila. 

"Eh syempre kino-consider ko padin ang career niya. Darating din kami doon" ngiti nito saakin. 

Napatingin kaming lahat nang magkaroon ng kaguluhan sa bandang likuran namin. Kaagad kaming tumayo at lumapit doon. Laking gulat nalang namin nang makita si Nathalie na nakahandusay.

"What happened?!" nag-panic na tanong ni Levie atsaka lumapit rito. "Nath! Hey, Nathalie?"

Pero hindi ito nagigising. Kaagad itong kinarga ni Levie at isinakay sa sasakyan ni Xen na naka-park lang sa malapit. Sinamahan ito nila Lawrence at Joseph habang kami nila Pauline at Bridgette ay tulala sa nangyari.

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon