Mariana Montereal's POV
"Don't tell anyone about this" paalala ko rito
"Yes, Ate" sagot ni Isay at inabot saakin ang naka paper bag na dala nito.
"Thank you" wika ko at nginitian ito. Sunod naman itong lumabas ng kwarto.
Si Isay ay ang nagi-isang anak ng isa naming kasambahay na si Aling Tess. Mas bata ito saakin dahil 22 palang ito.
Pumunta ako sa banyo at ginawa ang kailangan kong gawin.
Pagkatapos ay nag-hilamos akong mukha habang hinihintay ang lalabas sa display screen.
Ilang araw nang masakit ang pakiramdam ko na naging dahilan ng hindi ko pag-pasok ng opisina noong mga nakaraang araw. Pero ngayon ay medyo okay na ako kaya inutusan ko si Isay na pumunta sa pharmacy.
Sa ilang araw na 'yon ay nanlalambot ako at nahihilo ng hindi ko alam kung bakit. Kinausap ko ang mga kasambahay namin tungkol sa mga luto nila na naging pangit ang lasa. Nainis din ako dahil parang hindi naman sila naglilinis ng bahay dahil ang baho-baho. Tapos parang expired pa yung air freshener na gamit dahil nasusuka ako lagi sa amoy.
Matapos kong mag-hilamos ay binalikan ko yung stick at napaupo ako sa toilet bowl sa nabasa ko.
Pregnant
Salitang nakapagpa-taas ng BP ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong unang iisipin. Ramdam na ramdam kong nilalamig ako at nanginginig.
Gusto kong umiyak. Gusto kong tumawa. Gusto kong mag-wala.
Paano nangyari 'yun? Wala naman akong nakakatalik?
And then it hits me. I had sex with Levie 2 months ago. But thats not possible because we used protection! Wait, did we?? I can't even remember!
Nilakasan ko ang loob ko na subukan ang isa pang stick dahil baka nagkamali lang ito.
While waiting, inisip ko na kung paano ko sasabihin sa parents ko na buntis ako. Oh di kaya e saan ako titira at pupulutin just in case na palayasin ako ni Papa.
Strict na strict sila sa pagbo-boyfriend ko tapos isang araw bigla ko nalang sasabihin sakanila na magkaka-apo na sila e, ni isang lalaki wala pa akong pinapakilala?????
Inisip ko din na kung buntis nga ako at sigurado akong si Levie ang ama.. wait ina ba? ay ama ba dahil may etits at semilya siya? Jusko. Paano ko sasabihin sakanya? Or kung sasabihin ko paba?
Bakit hindi ko sasabihin? Anak niya 'to. Pero wala naman kaming relasyon? Paano kung hindi naman niya tatanggapin ang bata??
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
Inangat ko ang kamay ko at binasa ang salitang Pregnant sa pangalawang stick na sinubukan ko.
Tangina, totoo nga.
Napahawak ako sa tyan ko. Kinabahan ako sa realidad na may baby na lumalaki sa sinapupunan ko ngayon.
Tinawagan ko si Isay at sinabihan na bumalik siya sa kwarto ko dahil baka ikabaliw ko kung wala akong makakausap tungkol rito.
BINABASA MO ANG
Fire & Silk (GxG)
RomanceR-18. Language: Tagalog. G!P Levie, an intersex, who is having a vacation after years of hardwork in the fashion industry met the most random woman in the world, Mariana. CAUTION: some chapters have explicit content. Started on Dec, 2019. Finished...