Chapter 6

38.3K 1K 229
                                        

WARNING: EXPLICIT LANGUAGE

Edited on: February 11, 2022

Mariana's POV

Nagising ako sa paulit-ulit na kalabog ng sliding doors. Tumayo ako para hawiin ang kurtina at nakita na ang dilim pa sa labas at sumasayaw ang mga puno kasabay ng hangin. Sa sobrang lakas ng hangin e humahampas din ito sa mga bintana at pintuan.

Bumalik ako sa bedside table ko para tignan ang oras at laking gulat ko na 7AM na pala pero ang dilim sa labas. Pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Sa ilang araw kong namamalagi dito, nakasanayan kona na mayroon nang brewed coffee na nakahanda pagkagising ko. Habang isinasalin ko ito sa aking tasa ay sabay kong inilibot ang aking paningin sa bahay.

Hm, tahimik. Nakasarado ang lahat ng pintuan at walang bakas ng presensya nung babae na kasama ko rito.

Naglakad ako patungo sa living area at hinawi ang kurtina ng sliding doors. Umupo ako sa sofa at tumingin sa labas habang humihigop ng kape.

Eto siguro yung sinasabi nung babae kagabi sa walkie-talkie. Hindi ko mapigilan hindi mamula dahil nadin sa pangyayari kahapon sa banyo. Kung siguro hindi tumunog ang walkie-talkie ay may nangyari na saaming dalawa.

Sayang. Pero mas maigi na 'yon.

Pagkatapos niyang lumabas sa banyo kahapon ay lumabas narin ako. Nagkatinginan lang kami habang ito ay kinakausap nung babae sa kabilang linya at maya maya din ay lumabas na ako ng kwarto. Matapos ng insidenteng 'yon ay hindi na ulit kami nagkita. Hindi narin naman ako lumabas sa kwarto ko maliban nalang kapag kukuha ako ng pagkain.

Nagsimula nang bumuhos ng paunti-unti ang ulan.

Ang gloomy ng panahon pero nakaka-relax. Naisipan kong magsindi ng scented candles na nakita ko noong isang araw. Pumunta ako sa kwarto at kinuha yung libro na binabasa ko atsaka ako nagbitbit ng kumot at dinala ito sa inuupuan ko kanina. Ang lamig din kasi.

Napaka-perfect weather nito para mag-tamad tamad lang.

Hanggang umabot ang lunch ay doon lang ako sa pwesto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising lang dahil sa lakas ng kulog at kidlat.

Habang balot ako ng kumot ay naglakad ako pabalik sa kwarto. Grabe, nakakatamad kumilos.

Dahil ang tahimik sa lugar, kaunting tunog lang ay nagugulat na ako. This time, may nag beep sa walkie-talkie.

"Ma'am, there's a storm warning and we want you to avoid going out of the villa. Kapag po safe ng pumalaot ang mga bangka o maski ang seaplane ay agad-agad ho namin kayong pupuntahan d'yan. We are deeply sorry for the inconvenience"

Kaya naman pala kahapon ay nakatago ang araw at malakas ang hangin. Pero kahit ganoon ay nag-init ang katawan ko kahapon. Hehe.

Busy ako nagco-contemplate sa buhay ko noong biglang kumulog at kumidlat ng sobrang lakas at biglang nawalan ng kuryente. Automatic namang nagbukas ang mga emergency lights pero hindi parin sapat 'yon para mabawasan ang takot na nasa dibdib ko ngayon.

Ayoko pa naman din sa lahat yung ganito; malalakas na kulog at kidlat tapos hahaluan pa ng dilim.

Nagtuloy-tuloy 'yon ng ilang minuto hangga't sa tumayo na ako at lumabas ulit ng kwarto dahil hindi ko na kaya.

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon