Levie's POV
"Kanina pa po ring ng ring Ma'am" wika ni Krista, isa sa mga kasambahay ko at iniabot ang telepono saakin.
"Salamat" pupungas-pungas kong sabi rito at sinagot ang tawag "Hello?"
"Levie? Kamusta?" tanong ng tao sa kabilang linya. Agad ko namang na-recognize kung kanino boses 'yon.
"Hello po Ma" bati ko sa Mama ni Mari.
"Kamusta na kayo?" tanong nito na puno ng paga-alala.
"Hindi parin po siya lumalabas" bumuntong-hininga ako at umupo sa sofa kung saan ako nakatulog kanina.
"Pero kumakain naman siya?"
"Opo.. pero kaunti lang" sagot ko at napapikit.
"Be with her, Levie.. please. We will call you the moment we booked a flight"
I assured her na hindi ko papabayaan ang anak nito lalo na ngayon. Nag-usap lang kami ng kaunti at kalaunan ay nag-paalam na sa isa't isa.
It's been a week simula noong natagpuan ko si Mari sa banyo na duguan.
We lost the baby..
Nang maisip ko ito ay hindi ko nanaman mapigilan ang maluha.
I walked upstairs and tried knocking on her door pero walang sumasagot. Honestly, she's been shutting me out the day we went home from the hospital. But since I don't know what to do, I gave her the space that she needed. But now, I realized na dapat hindi niya 'to harapin mag-isa dahil anak naming dalawa 'yon.
Sinubukan kong pihitin ang door knob at laking tuwa ko naman na hindi pala ito naka-lock. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa madilim na kwarto. Pati ang mga blinds ay nakasara din. Kinapa ko ang lamp shade sa sulok ng kwarto at in-on ito.
Nakatalikod ito sa pintuan at nakahiga sa kama. Humakbang ako ng tahimik palapit dito at tinabihan sa paghiga. Nakita ko itong nabigla sa paggalaw ng kama pero hindi ito humarap saakin. Niyakap ko siya galing sa likod at hinalikan sa buhok nito. Natuwa ako dahil hindi naman ito nag-reklamo sa pagyakap ko sakanya.
"Hindi kaba nagugutom?" bulong ko rito na tanging iling lang ang isinagot niya.
Tahimik lang kami pero alam kong gising siya. Papikit na ang mga mata ko noong nag-salita ito "I'm sorry" na sinundan ng pag-hikbi.
Na-alarma naman ako at napa-upo. Sunod ay tumayo ako at pumunta sa kabilang parte ng kama at lumuhod sa sahig habang hawak hawak ang mga kamay nito.
"Baby.. baby it's not your fault" madamdamin kong wika sakanya habang pinipigilan din ang mga luhang nagbabadya.
"It's my fault" humihikbing sabi nito
"Baby.. listen to me.. It's not your fault.. diba sinabi naman ni Doc?"
Umiiyak lang ito at ako naman ay tahimik na lumuluha din. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na nawala ang anak namin at nasasaktan ako dahil nasasaktan si Mari.
"Hey.. listen to me please" wika ko habang pinupunasan ang mga luha nito. "It's not your fault.. wala ka namang ginawa na ikinasama niya.. diba? Please don't blame yourself" sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. Takot ako na baka may masabi ako na lalong ikalungkot niya.
BINABASA MO ANG
Fire & Silk (GxG)
Roman d'amourR-18. Language: Tagalog. G!P Levie, an intersex, who is having a vacation after years of hardwork in the fashion industry met the most random woman in the world, Mariana. CAUTION: some chapters have explicit content. Started on Dec, 2019. Finished...