Chapter 7

35.8K 912 96
                                        

Mariana's POV

"Ahh. Sht" mura ko ulit.

Sinubukan ko nanamang bumangon pero masakit talaga. Sa inis ay mas ibinaon ko ang katawan ko sa comforter at pumikit.

Sa sobrang kalandian ko 'to. Kaya ayan, napahamak pati ang pempem ko. Natampal ko ng wala sa oras ang bibig ko noong naalala ko yung mga pangyayari kaninang umaga. Isipin mo, hindi kami nag-almusal at tanghalian dahil naging busy kami sa isa't isa.

Hindi ko mapigilang hindi kiligin ng slight dahil sa pakiramdam na naranasan ko. Pero nabubura yung kilig dahil napapalitan ito ng sakit sa ibaba sa tuwing gusto kong bumangon ng kama.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Lumipat ako noong nakatulog yung kasama ko pagkatapos naming gumawa ng milagro. Hindi ko mabilang pero naka-apat ata kami ng milagro. KITA MO!!!! Paanong di sasakit?????

Kahit sobrang sakit at pinilit ko paring bumangon dahil ihing-ihi na ako. Naglakad ako papuntang banyo at walang sabi-sabing unupo agad sa bowl at umihi. Nang tumayo ako ay laking gulat ko sa kung anong itsura ko ngayon. Ang dami kong hickey sa leeg, sa cleavage, sa tyan at sa legs. Pinapak ako ghorl.

Syempre kilig nanaman ako ulit. Wala akong masyadong alam sa coitus dahil syempre wala pa naman akong experience pero parang hindi pang-first-timer yung pinaranas niya saakin kanina. Grabe, driver kung driver.

Dahan dahan ako sa paglakad habang palabas ng kwarto ko dahil gutom na ako. Pagkalabas ko naman ay tahimik, at walang katao-tao. Pero pansin ko na gising pa yung nasa kabilang kwarto dahil sa kaunting ilaw na sumisilip sa ilalim ng pintuan nito.

Okay narin siguro na hindi ko muna siya makita dahil baka magpapalamon nalang ako sa lupa kung sakali. Syempre nahihiya ako.

Kumain nalang ako ng sandwich na nasa ref at maya-maya ay napagpasyahan nang matulog dahil pakiramdam ko ay binugbog ang katawan ko.

Kinabukasan ay nagising ako na maaliwalas na ang panahon. Wala ng ulan pero medyo malakas padin ang hangin.

Ngayong araw ay ang ika-pitong araw namin dito sa isla. Every now and then naman ay ina-update kami ng management ng resort sa kung ano na ang balita at sabi naman nila ay hinihintay lang nilang humina ng kaunti ang hangin para safe nila kaming masundo rito.

Bumangon ako at pumunta ng kusina para mag-agahan. Hm, walang naka-brewed na kape. Siguro tulog pa 'tong kasama ko.

Ako na mismo ang nagtimpla ng kape at umupo sa sofa kung saan makikita mo ang view ng dagat.

Maya maya naman ay may narinig akong naglalakad at napatingin ako sa babaeng naka-night gown pa at tamad na tamad gunawa ng kape.

"Good morning" nahihiya kong bati rito. Napantingin ito saakin at bahagya pa itong nagulat. Hindi niya siguro ako napansin. Nginitian lang ako nito at bumalik na siyang muli sa kwarto niya.

Hindi ko na rin naman ito inabala pa. Maybe she woke up on the wrong side of the bed.

Bandang hapon ay naging maaliwalas na ang panahon kaya naglakas loob na akong lumabas ng villa. Hay, namiss ko ang hangin sa labas. Naka-summer dress ako na pinagsisihan ko din dahil malamig ang simoy ng hangin.

Buong maghapon ay hindi lumabas ng kwarto yung kasama ko. Hindi ko alam bakit. Hinaayan ko nalang.

Naglakad-lakad ako sa paligid at umupo doon sa swing. Ang ganda pagmasdan ng kapaligiran at nakaka-relax.

Napaka-therapeutic pa ng mga huni ng ibon, hampas ng alon sa dalampasigan atsaka yung panakanakang lakas ng hangin.

Kunyari senti-sentian ako. Char.

Sinulit ko yung oras at nag-reflect ako sa buhay ko, sa mga desisyon ko, sa mga pangarap ko at sa kinabukasan ko.

Mahaba-haba pa pala ang bakasyon ko dahil February palang ngayon at binabalak kong mag-pasko rito. Sa susunod na buwan ay mamamalagi ako sa probinsya ng best friend ko na si Chelsea para sumama sa kampanya ng dad niya sa politika.

Naglakad lakad akong muli at hinayaang lumubog ang talampakan ko sa mala-pulbos na buhangin ng isla. Napakalinis.

Papasok na sana ako sa villa nang mapansin ko na nakaupo yung babae doon sa mini villa sa side. Kumbaga ay isang malaking bed lang na open ang sides na may white curtains pero syempre may floor to ceiling na sliding doors kung saan pwede kayong tumambay kapag umaga o di kaya naman ay pwede din dito matulog.

"Hey.." wika ko rito at nilapitan ito. "Kumain kana ba?"

"Yes" ngiti naman nito saakin at tumingin ng muli sa dagat.

"Are you okay?"

"Yes. And please, if you don't mind.." malumanay na wika nito at walang anu-ano na tinignan ko.

"Oh, sorry.." paghingi ko ng paumanhin sa pagiistorbo sakanya. Naglakad na ako papalayo at bumalik sa villa.

Sensitive na kung sensitive pero medyo nakaka-hurt. Big deal lang siguro saakin dahil first time ko ito habang siya ay halata naman na hindi niya first time. This was supposed to be special e.

Pero it seems like I am just one of those one-night stand girls for her.

Imagine okay palang kami kahapon pati the other day. Niyakap pa nga niya ako habang natutulog kami tapos ngayon na may nangyari saamin parang strangers nalang? Although yes, technically and obviously she's a stranger and so am I to her.

-

Mag-ingat po tayong lahat!

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon