Chapter 17

31.1K 943 266
                                        

Mariana's POV

"Tumayo ka muna kasi d'yan" bulyaw ko sakanya na kasalukuyang nakahiga sa kama ko.

"Tsk" masungit na wika nito pero tumayo naman.

Kinuha ko yung remote ng aircon na nasa ilalim ng unan niya at binabaan ang temperature ng kwarto dahil init na init ako dahilan para mairita ako ng bongga.

Antok na antok naman itong bumalik sa kama at natulog.

Tanghaling-tapat at kasalukuyan naming nagsi-siesta nitong si Levie na feel at home sa bahay ko.

Ilang araw na simula noong nalaman niya na siya ang mommy ng dinadala ko at niyaya akong tumira sa bahay niya pero sabi ko pagiisipan ko muna. At ang loka, simula noon ay madalas na dito. Napaisip tuloy ako kung ano ba talaga yung tinanong niya sakin. Kung "I want you to live with me" or "I want to live with you" ba.

Minsan may mga araw na doon siya umuuwi sa bahay niya pero madalas dito siya natutulog. Hindi ako na-inform na kasama na pala siya sa census dito sa bahay ko. Charot.

Umalis nadin kaninang umaga yung mga bisita niya na umuwi ng bansa para doon sa show dahilan kaya puyat na puyat siya ngayon. Nag-party kasi sila kagabi sa hotel.

Pumunta ako kahapon doon para silipin yung staffs ko and I'm happy to know na okay naman pala ang lahat kahit na hindi ako nakadalaw lately dahil sinabihan ako na mag-pahinga muna sa bahay.

Nandoon nga din yung Heloise at madalas siyang lumapit kay Levie na kinainis ko lalo na ngayong nalaman ko na hindi naman pala niya girlfriend 'yon.

Kasalukuyang may kasiyahan sa tabing dagat ng hotel noong napansin ko na lagi silang magka-tabi at magkasama kaya nag-pasya ako na umuwi ng maaga at hindi na naki-salo pa sa dinner.

Dumating itong babaeng katabi ko kaninang umaga na antok na antok at tinanong ako bakit daw bigla akong nawala kagabi. Sinungitan ko ito dahil naiinis ako. Naiinis ako dahil ang landi padin nilang dalawa ni Heloise sa isa't isa. And of course I know that they spent the night together.

With that thought, bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Sabagay wala naman akong karapatan na ipagdamot siya dahil wala naman kaming relasyon. Ang may relasyon lang naman siya ay sa batang ipinag-bubuntis ko pero hindi saakin.

Naiinis din ako lalo dahil wala akong mapag-sabihan dahil si Chelsea na best friend ko ay bumalik na sa New York. Tinawagan ko siya noong isang araw pero parang naputol yung dila ko. Pwede ko naman sabihin sakanya yung sitwasyon ko pero mas gusto kong sa personal nalang kesa sa telepono.

Pumunta ako sa kusina at nag-hanap ng makakain. May mga araw na ayaw kong kumain pero may mga araw din na sobra yung kinakain ko. Yung morning sickness ko nandito padin na halos araw-araw ay nararamdaman ko.

Pagdating ko sa sala ay hinanap ko kaagad yung remote ng aircon at nilakasan ito. Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV. Mga noontime shows ang palabas at hindi na ako nag-hanap ng iba at hinayaan nalang kung ano yung nadatnan kong channel pagbukas ko.

Maya-maya pa ay narinig kong may bumababa sa hagdanan. Hindi na ako nag-abala pang tumingin dahil kabisado kona ang mga hakbang nito.

Tumabi ito saakin at sinilip kung ano yung kinakain ko. Kukuha sana ito sa apple ko pero pinitik ko kaagad yung kamay niya.

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon