Levie's POV
"You ask Mommy Levie"
"Mommy, can I play outside?" tanong ng bata saakin.
Nag-alangan akong sumagot dahil hindi ko alam ang ire-react ko lalo na't tinawag nito akong Mommy kaya tanging ngiti nalang ang naisagot ko.
Ilang minuto palang ang nagdaan noong kumatok ang mga ito sa pintuan at pinakilala ang bata bilang anak ko. Nandito kami ngayong tatlo sa sala kasama si Mari.
Katabi ko ito sa sofa habang hawak hawak ko ang kamay niya dahil kanina pa siya tahimik.
"Pasensya na kung ngayon ko palang dinala ang bata" paunang sabi ni Nathalie saakin. "Pasensya kana kung inilihim ko na may anak tayong dalawa"
"No offense but I think I have the right to ask if she is really my child" malumanay kong sabi. "Knowing that the reason why we broke up is you cheated on me" mapait ko sabi.
"Levie sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko noon. Ang totoo niyan ay buntis na ako noong mag-hiwalay tayo" mangiyak-ngiyak na wika nito na ikina-init ng ulo ko. "At sayo 'yon. Pinalabas ko lang na may relasyon kami ni Thomas para hiwalayan mo ako" agad naman nitong dugtong noong napansin niya na nag-igting ang panga ko.
I scoffed. "Why did you do that?" Biglang bumalik saakin yung mga naramdaman kong sakit noon dahil ipinagpalit ako sa lalaki ng girlfriend ko.
"Natakot ako" at tumingin ito saakin. "I am afraid that my family will disown me kapag nalaman nila na babae ang kinakasama ko. Lalo na sa kundisyon mo"
"Kundisyon ko?" medyo nag-taas ang boses ko sa narinig ko galing sakanya. "I'm so sorry to say this pero don't use my 'condition' as an excuse to your cowardliness" galit kong sabi.
"I did not mean to offend you.. please listen to me. Natakot ako, 'yon ang totoo. Natakot ako na baka hindi tayo tanggapin ng pamilya ko. Natakot akong mahusgahan ng mga tao dahil alam mo naman na hindi pa ako out noon. Kaya pinalabas ko na si Thomas ang Ama ng dinadala ko" umiiyak na wika niya.
Hindi ako nakasagot. This is too much and I can't take the reality na all these time ay may anak pala ako. "It never occurred to you na kaya kitang ipaglaban sakanila? Ni hindi mo man lang naisip kung anong mararamdaman ko? Makasarili ka. Sana naisip mo na dalawa tayo sa relasyon. Hindi lang ikaw dapat ang nagde-desisyon. Ipinagkait mo saakin ang 6 na taon na buhay ng anak ko. And now what?"
Hindi ito agad nakasagot and she is clearly taken back with what I said. Ano namang expect niya? Open arms ko siyang tatanggapin? With banda and confettis?
"Lumapit ako sayo dahil nagsisisi ako sa ginawa ko. Lumalaki na ang bata. Si Thomas, may sarili ng pamilya at ayokong ipa-ako sakanya ang bata na hindi naman niya tunay na anak. Alam niya 'yon. Alam niya na ikaw ang Ina ng bata noong una palang at wala kaming naging relasyon"
Si Thomas ay kaibigan namin kaya muntik-muntikan ko na itong mapatay noong nalaman ko na may relasyon silang dalawa.
"Ngayon anong gusto mong mangyari?" tanong ko rito.
"Gusto kong makilala mo siya at makilala ka din niya. Hindi ko ipagdadamot sakanya ang karapatan niyang makilala niya ang isa niyang Mommy at ang karapatan mong makilala ang anak mo"

BINABASA MO ANG
Fire & Silk (GxG)
DragosteR-18. Language: Tagalog. G!P Levie, an intersex, who is having a vacation after years of hardwork in the fashion industry met the most random woman in the world, Mariana. CAUTION: some chapters have explicit content. Started on Dec, 2019. Finished...