Chapter 8

31.2K 835 55
                                    

Mariana Montereal's POV

"Nandito na po ba lahat, Ma'am?" Tanong saakin ng isang lalaki na kasamang dumating ng piloto ng seaplane.

"Opo, kuya. Salamat po" sagot ko rito at sinarado ang sliding door ng villa.

Ngayong umaga ay maaliwalas na ang panahon. Mahina nalang ang hampas ng hangin at alon kaya safe na pumalaot ang mga bangka at pwede naring bumyahe gamit ang seaplane.

Muli ay tumingin ako sa buong isla at napa-buntong hininga. The days that I spent here are bittersweet.

Napapikit ako nang naalala ko yung babaeng nakasama ko rito. Kaninang umaga, nang magising ako ay wala na ito. Noong una ay akala ko nag-swimming lang ito pero nakita ko na nakabukas yung kwarto niya at nang sumipil ako ay wala na ang mga gamit niya doon. Masakit ang loob ko syempre dahil hindi man lang niya nagawang magpaalam. Kahit pakikipag-kapwa tao lang sana dahil kahit papaano naman ay may pinagsamahan kami.

Kaya kahit naiinis e pinilit ko nalang siyang inalis sa isipan ko.

Maya-maya din ay nakarating na kami sa laot at dumiretso ako sa lobby para pumirma ng mga papeles. Nandito nadin ang driver slash assitant ko na si Winston dala-dala ang cellphone ko na iniwan ko sakanya noon.

Nagpa-salamat ako sa mga staffs na hanggang ngayon ay humihingi ng paumanhin dahil sa naging aberya sa isla. In-explain nila na magka-ibang staff ang nag list down ng pangalan at schedule namin kaya hindi nila alam parehas na sa iisang isla ang na-book sa dalawang customer. Sabi ko naman na okey lang at sana hindi na maulit dahil baka ibang klaseng customer ang maka-engkwentro nila sa susunod at nagpasalamat din ang mga ito.

Hindi ko mapigilang itanong, "Yung kasama ko doon na babae, anong oras siya nag-check out?"

"Ah, actually po tumawag siya ng 3AM at nagmamadali itong nagpapasundo pero hindi po kasi kami pwedeng pumalaot ng ganong oras kaya po hinintay namin na lumiwanag ng kaunti kaya mga quarter to 6 na po siya nasundo"

"Ah ganoon ba. Okay sige, salamat" ngiti ko sa mga ito at tuluyan ng umalis.

Ang dami kong messages galing sa magulang ko, kinakamusta ako at ang bakasyon ko, messages galing kay Chelsea, at sa mga iba naming kaibigan dahil nabalitaan ata nila kila Mama na na-stranded ako sa isla.

Natawa ako dahil ang mga loka-loka, hindi man lang nagisip na paano ko sila mare-replyan e alam naman pala nilang wala akong dalang phone at stranded ako..?

Nang nakasakay na ako sa sasakyan ay tinawagan ko ang mga magulang ko at ipinaalam sakanila na okey lang ako.

"We were so worried about you, anak" madamdaming pahayag ni Mama. "Muntik-muntikan na kaming umuwi d'yan pero sinigurado saamin ni Winston na okay ka lang.. at salamat sa Diyos at okay ka nga"

"H'wag na kayong mag-alala Ma, okay ako. Pabalik na kami sa Hotel nito at magpapahinga muna ako" sagot ko naman sakanila. "Nasaan si Dad?"

"He's having his lunch now siguro. Ang alam ko may meeting siya after lunch e" sagot nito at napatingin ako sa watch ko. Lunch time na sa Australia.

Nakipag-kwentuhan ako kay Mama at nai-kwento ko sakanya yung babaeng nakasama ko sa Isla pero syempre not the censored part. Baka bigla silang umuwi dito sa Pinas at ipahanap 'yon at ipakasal saakin ng wala sa oras.

Conservative at strict ang parents ko. Retired US Military Army si Papa at si Mama naman ay lumaki sa Pinoy household. Kaya rin siguro walang nagtatangkang manligaw saakin dahil nadin sa alam nila na kung mahirap akong ligawan, mas mahirap ligawan ang parents ko.

Nang makarating ako sa Hotel namin ay agad-agad akong pumunta sa room at nagpahinga. Wala akong ginawa sa buong linggo kung hindi nagpahinga pero feeling ko dahil sa mga kaganapan sa buhay ko sa mga nagdaang araw e pagod na pagod ako.

Sa susunod na buwan ay uuwi na ng Pinas ang best friend ko na si Chelsea. Balita ko ay uuwi din ang iba ko pang kaibigan para suportahan si Tito sa pangangampanya at para narin mag-bakasyon sa bansa. Ilang taon na kasi noong huli kaming nagkasama-sama.

Dahil dito, napag-pasyahan ko na pumunta sa mga souvenir shops at mamili ng mga pasalubong sakanila at pati nadin sa mga kasambahay namin sa bahay namin sa Makati. We all know that Pinoys love pasalubongs kahit keychain man yan o ref magnet.

Pagkatapos kong mag-pahinga ay nagpatulong ako kay Winston para pumunta sa isang souvenir shop around the city.

We went on this store called Island Souvenirs kung saan nandoon ang lahat ng souvenirs na pwede mong dalhin from Cebu. From shirts, hats, hand-made accessories, delicacies, dried mangoes to keychain, refrigerator magnets, stickers and others.

Pagkapasok ko palang ay binati na agad ako ng staffs at sinuklian ko naman ito ng matamis na ngiti. Kakaunti lang ang tao sa store dahil narin sa hindi pa naman travel season. Mas natuwa ako dahil hindi ko kailangan makipag-siksikan at madaliin ang pagpili ng mga bibilhin. Si Winston naman ay nandito din sa loob at sinabihan ko na magtingin-tingin din at sabihan ako kapag may nagustuhan siya na para sakanya o para sa pamilya niya.

Nauna akong pumunta sa mga hand-made accessories dahil ito ang una kong napansin sa pagpasok ko palang. Nag-lagay ako nito sa mga basket dahil ang Mom ko ay isang Fashion Icon. Panigurado akong magugustuhan niya ang mga ito. Sumunod naman ay pumunta ako sa mga t-shirts at bags na may naka-tatak na I Love CEBU. Nasa gitna ako ng pagpili ng mga delicacies ng may mapansin ako na dalawang babae na naghaharutan sa may hats section.

Sakto naman at nagka-tinginan kami nung isa at muntik-muntikan ko ng mabitawan ang dala-dala ko ng makilala ko ito. Nakasuot kasi siya ng sunglasses. Napansin ko din sa mukha niya na gulat siya. Matagal din kaming nagkatinginan kaya napatingin nadin saakin yung babaeng kasama niya. Napaisip ako kung saan ko ito nakita dahil pamilyar ang mukha nito at bigla akong napaiwas noong nakilala ko siya. Siya yung may-ari nung Hotel & Island na nirentahan namin.

Sa loob-loob ko, natawa ako. Natawa ako pero mas mataas ang pagka-inis ko. Malakas ang hunch ko na nagkakilala lang sila dahil sa pagpunta nito sa Isla pero I don't think magkakilala talaga sila. Kasi if magkakilala talaga sila bago pa siya pumunta ng Isla at may something sakanila, panigurado dalawa silang magsa-stay sa Isla at hindi lang etong bruha na 'to. And that started when? Just hours ago, right? Nung nag-check out siya.

Itinuloy ko nalang ang pagpili ko ng mga pasalubong pero mas binilisan ko ang pagpili dahil gustong-gusto ko ng lumabas dito. Parang feeling ko nasa-suffocate ako. Parang biglang sumikip. Atsaka ramdam na ramdam ko na may nagmamasid sa kilos ko.

Nasa counter na ako para sana magbayad at si Winston naman ay nasa tabi ko dahil hawak niya ang ibang basket nang biglang marinig ko na may nag-uusap na dalawang babae sa likuran ko. Isang counter lang ang available dahil kami palang naman ang customer na nandito.

"Let's go to your place after this.." sambit nung owner.

"Okay, if you say so.." sagot naman ng isa.

"Don't you have any company there? Baka nakaka-istorbo ako" parang worried pa na tanong ni owner.

"Nah, I'm all yours." sagot naman ng isa. At rinig kong kinilig ang lukaret na owner!

Yung leeg ko, gustong gusto ng tumingin sakanila at irapan itong isa pero pinigilan ko. Yung pag-asta niya kasi, parang hindi niya ako kilala. Or parang walang nangyari saaming dalawa. Parang sanay na sanay siya sa ganitong set-up.

Parang sanay na sanay siyang nangkakama ng iba't ibang babae tapos wala na siyang pake pagkatapos kahit pa makita niya ulit ito.

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon