Chapter 29 - Bonus Part 2/3

42.5K 1K 178
                                        

Levie Montereal-Rome

"Ikaw kaya rito!" sigaw saakin ni Mari dahilan para magulat ako.

"I'm sorry. I'm sorry I know it hurts" haplos ko sa braso nito sabay halik sa kaniyang noo.

Nasa hospital kami ngayon dahil nagsimula nang humilab ang tyan ni Mari kaninang umaga. Pero hanggang ngayon na hapon na ay 4cm palang siya.

Binigyan kami ng option ng doctor na-CS instead of normal delivery dahil hindi masyadong nagbubukas ang cervix niya. Pero nagpupumilit itong si Mari na huwag dahil natatakot siyang ma-opera. At 'yon ang dahilan para masungitan niya ako dahil kinukumbinse ko ito na i-consider ang C-Section. Dalawa ang baby na iluluwal niya.. natatakot lang ako para sakanilang tatlo.

Napapikit ako sa sakit nang pisilin nito ang aking kamay nang humilab nanaman ang kaniyang tyan.

"shhh shhh" bulong ko rito sabay halik sa kaniyang sentido nang mapansin kong naluluha na siya sa sakit.

"Ma'am, the babies are already distressed. We have no other choice but to push through the C-section po" wika ng nurse na naka-antabay kay Mari simula kaninang umaga.

Worry is written all over Mari's face. Napatingin ito saakin. "Everything will be okay, love" paga-assure ko rito. "I'll be there the whole time" ngiti ko rito dahilan para tumango siya.

Ilang oras ang lumipas at naging successful naman ang operasyon. Nakaupo ako sa tabi ni Mari habang nakagising ito the whole time. At the same time din ay kinukwentuhan siya ng doctor.

"Here are your babies, Mommy Mari & Mommy Levie. A healthy baby girl and baby boy"

Iniabot saakin ng isang nurse ang baby boy namin habang iniabot naman kay Mari ang baby girl.

"Thank you. They are gorgeous" naluha kong wika kay Mari at hinalikan ito sa labi.

At eto si Mari, umiiyak na. "Of course. They came from me"

Hindi napigilan ng mga nurse na mapa-hagikgik sa sinabi nito.

Nag-stay kami nang ilang araw sa hospital bago umuwi para kahit papaano ay mapahinga si Mari. Hindi rin kasi ito makakilos ng maayos dahil sa tahi sa tiyan.

"Welcome home!!" sigaw ni Lilith nang buksan namin ang pintuan ng mansyon.

Umuwi kami sa Makati nitong nakaraang ilang buwan dahil nandito ang mga doctors ni Mari at malayo ang hospital doon sa Hacienda.

"Oh my.. they are so adorable!" Pinipigilang umiyak na wika ng bata habang tinitignan ang kaniyang mga kapatid.

"Jusko po.. napaka-gandang lahi" mangiyak-ngiyak din na wika ng Mama ni Mari. Habang ang aking Mama naman ay naluluha ring nakangiti katabi ito.

"Ang mga tagapag-mana ng Mont Real" sabi naman ni Tito na Papa ni Mari at kinarga ang baby boy namin.

"What are their names, Mommy?" Tanong ni Lilith kay Mari.

Tumingin naman si Mari saakin at ngumiti.

"Her name is Nataleigh Allison Montereal-Rome"

Tuluyan nang napahagulgol ang anak naming si Lilith dahil pinangalan namin ang kaniyang kapatid na babae sa kaniyang Mama Nathalie. Niyakap naman ito ni Mari para patahanin.

"His name is Marius Timothy Montereal-Rome" sagot ko naman dito tungkol sa pangalan ng kaniyang kapatid na lalaki. I insisted to name him after Mariana.

Nagkaroon ng salu-salo sa bahay kasama ang aming pamilya. Bandang hapon din ay bumisita ang pamilya nila Bridgette at Chelsea.

Magkayakap kami Mari habang nakaupo sa kama at pinagmamasdan ang aming mga anak na nakahiga ngayon sa crib na idinikit namin sa kama.

"I still can't believe it" wika ko habang hinahaplos ang paa ni Nataleigh.

"Me too, love" mahinang sagot naman ni Mari at hinalikan ako sa pisngi at hinigpitan ang yakap.

"Hindi ko alam kung tama ba ang naaalala ko pero parang nabanggit ko sana sayo na 6 ang gusto kong anak" pigil tawa kong sabi kay Mari. Di ko inasahan ang ginawa nitong pagtulak saakin kaya hindi ko na-control ang katawan ko at sa kasamaang palad, tumama ang aking alaga sa edge ng crib.

"AHHHHHH SHIT!!!!!!!!" sigaw ko  at napahiga sa sahig sa sobrang sakit. Buong katawan ko ininda ang sakit na naramdaman ng alaga ko. Parang yung phrase na, my life flashed before my eyes.

"I'm sorry!! Hala!! Hindi ko sinasadya" nagpa-panic na wika ni Mari at lumuhod sa tabi ko.

Masakit padin. "Kung ayaw mo ng anim na anak mahal, pwede mo naman sabihin. Di mo naman kailangan na baugin ako" bulong ko na ikinatawa namin parehas.

-

Hello!! Kamusta?

May bagong published pala ako na libro entitled Silver Screen ❤️

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon