5

377 10 5
                                    


"hey, wait for me!"

Dinig ko na sigaw ni Gaviniel. Pero hindi ko siya pinakinggan at mas binilisan lang ang paglalakad. Hindi ko na nga alam kung tama pa ba itong direksyon na nilalakaran namin ngayon. Masyado na kasi itong malayo sa mga ibang attractions na meron roon. Hindi ko rin ganon kasigurado kung tama ba talaga itong itinuturo sakin ng Google Map.

"I said wait for me. Ano ba?!" halos ganon na lang ang pag atras ko bigla ng humarang siya mismong harapan ko! Humawak siya sa magkabila kong mga balikat at sa ganoong paraan siya sandaling nanahimik. Yumuko pa siya habang hinahabol ang kanyang hininga.

bakit kasi tumatakbo siya? Pwede namang maglakad lang! siraulo din ito e pinapagod yung sarili niya naka longsleeve pa man din! Pero teka nga! bakit ba ako nag aalala sa kanya? e siya naman may kagagawan at kagustuhan non!

malalim lang akong napasinghap bago saglit na iniiwas ang paningin sa kanya hindi dahil sa naiilang ako dahil sa ginawa niya sakin kanina. Kung hindi nagtataka kung bakit niya iyon ginawa. Sa anong dahilan. Pero agad ko rin iyong pinaalis sa isipan ko at dahan dahan nalang akong nangalkal sa bag ko para hanapin ang tissue na meron ako. Buti na lang talaga lagi akong may dala niyon. Hindi na din ako nag atagulibin na tawagin siya sa pangalan niya at ako na mismo ang nagpunas ng pawis niyang sobra na ngayon sa tagaktak.


"don't give this thing a meaning." tanging sabi ko na lang din sa kanya. Nang matapos ay sunod ko ng ibinigay sa kanya ang bottled water na binili ko kanina sa maliit na store na nadaanan namin. Hindi naman na siya nagreklamo pa ulit at basta na lang iyong kinuha. Yon nga lang nahuli ko siyang ngumiti ng bahagya.


"thank you for this." nakangiting sabi niya matapos maubos ng mabilis ang tubig sa  bottled water na kaaabot ko lang! basta na lang din niyang nilukot iyon kaagad bago tumayo at umaktong nagba basketball. Akala ko nga hindi niya maisu shoot iyon sa basurahan. Pero nagkamali ako dahil sa isang hagisan niya lang ay agad na pumasok iyon sa mismong trashbin na naroon!

hindi ko napigilan ang humanga sa kanya ng patago doon pa lang. Shooter pala siya. Siguro member din siya ng basketball team sa school nila nung high school siya. Tumingin siya sakin nang matapos iyon at mabilis din ulit na naupo sa tabi ko. Oo sa tabi ko mismo! Dahil doon hindi ko na napigilan ang sarili ko na kumilos papalayo kaunti sa kanya. Narinig ko siya na matawa ng saglit kaya naman kunot noo ko kaagad siyang tinignan.


"why?" natatawang tanong pa niya! pagkatapos ay malalim na bumuntong hininga. Hindi ako nagsalita at pasinghap na lang na inalis sa kanya ang paningin. Itinuon ko na lang iyon sa mga batang nagbi biseklata. Bigla ko tuloy namiss pumadyak. Nung bata kasi ako kapag kakauwi ko lang sa bahay galing school, kakain lang ako sandali ng tanghalian at pagkatapos non dadaretso na ako papunta sa shop para mag renta ng bike. I miss that old days. Ngayon kasi iba na ang ganap.

natigil lang ako sa pag iisip tungkol doon ng mapansin ang mukha ni Gaviniel na nakasilip na sa mismong mukha ko. Talagang nag effort pa siyang silipin ako. Bahagya siyang nakayuko habang magkahawak na nakaipit sa bandang baba niya ang magkabila niyang mga kamay. Ganon na lang din tuloy kaagad na nawala ang mga ngiti sa aking labi. Pasiring ko siyang pinagmasdan and at the same time nagtataka na sa gano'ng postura niya.

"what are you doing?"

"me?" just wow! nakuha pa niyang magtanong ng ganon malamang siya yon. May iba pa ba kaming kasama rito sa kinauupuan namin? di ba wala naman? Tss!

minsan pa siyang natigilan at umakto na para bang nag iisip bago siya umayos. Akala ko nga yung pag upo niya lang pero hindi ko naman inakala na tatayo siya just to change his position and went in front of me! Oo sa mismong harapan ko! He just sit himself there like a kid. Nang hindi siya makuntento ay basta na lang din niyang inihawak sa mismong kinauupuan ko ng  magkabila ang kanyang mga kamay. Hindi ko na tuloy matigilan ang magtaka ng husto.

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now