6

292 4 2
                                    

"are you done Ms. Velasco?"

napasulyap ako sa professor namin ng maramdaman ko ang kanyang presensiya sa tabi ko. Binigyan niya kasi kami ng number one task after the discussion. I know that it wasn't that hard kumbaga sakto lang. But I didn't know kung bakit sa ilang minuto lang na ibinigay samin na oras para gawin iyon ay hindi ko kaagad yon ganon na natapos. May mga naisulat naman na ako pero I'm not that sure if it's all correct but it was my own opinion naman so I think it make sense pa rin kahit papaano. Nang makuntento na ako sa sagot ko ay kaagad ko na rin yon na pinasa.

nakakaloka lang isipin na sa unang meet namin sa second subject ay bakit doon ko pa napiling tumulala at tumunganga. Ito na ba yon? yung sinasabi at kinu kwento sakin ni Harvey kapag may free time siya after doing his school works? na ang hassle hassle daw kapag college na halos talagang maha hagardo na ang itsura mo just to do all the task and the other activities that will be given by the professors? Ito na ba yung simula? kasi kung oo, I'm not that so ready.

gabi na ng makalabas kaming lahat sa building. Wala na masyadong tao compare kanina na medyo marami pa dahil may mga iba rin kasing college year pa na tumatambay sa labas para bumili ng pagkain habang ang iba naman ay may kanya kanya lang na inaantay para makasabay umuwi or either para gumala. Mabuti nalang rin at marami pang tricycle nang tuluyan na kaming makalabas sa gate. Dahil mainit pinili ko na sa likuran na ng driver maupo since gusto kong mahanginan. To lessen na rin sa pag iisip tungkol sa kung ano anong bagay na basta nalang pumapasok sa isip ko. Na alam ko namang walang patutunguhan na maganda.

"hello!" nakangiting bati sakin ng isang lalaki na nakasabay ko nang hindi ko sinasadyang mailingon ang paningin sa gawi niya. Hindi ako nagsalita at basta nalang na kinilala ang kanyang uniporme. And I've already that he's not a student of  DLU dahil iba kasi ang istilo at disenyo niyon. Light blue ang kulay niyon na may checkered na design sa bawat kanto ng butones. 'Don Mariano University' pabulong na pagbasa ko nang makita ang logo sa polo niya.

kilala ko rin ang school na iyon. Isa din iyon sa sikat na mga College university choices dito sa Caloocan. Pero may mga chika daw na lumalabas tungkol sa school na iyon na hindi raw ganon nagtuturo ang mga professors na sa pera pera lang daw nila dinadaan ang lahat to pass the students and to graduate. Grumaduate ng walang nalalaman.

sa busy ng isip ko na maglayag para isipin ang tungkol doon ay hindi ko na ganon pang namalayan na nakahinto at tapat na pala ang tricyle sa mismong harapan ng bahay namin! Agad na akong nagpanic at mabilis na kumilos para bumaba at iabot ang bayad ko. Narinig ko pa na tumawa si manong driver bago niya ulit pinagpatuloy ang magmaneho. May narinig pa nga ako na sinasabi niya pero hindi ko iyon ganon na lubusang naintindihan.

nakita ko pa ulit na ngitian ako nung guy kanina na nakatabi ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko sila mama at tita na ngayon ay abalang abala lang sa panunuod ng drama. Nakangiwing lumapit ako sa kanila at nagmano pagkatapos ay saglit na muna akong dumaretso paakyat papunta sa kwarto ko para magbihis.

tinatamad kong nilapag sa swivel chair ang bag ko ng makapasok na ako ng tuluyan sa kwarto ko pati na rin ang ID at basta nalang na humiga sa kama. Sunod ay sinimulan ko na magmuni muni dahil sa tingin ko ay isa iyon sa mga makatulong sakin para mabilis na mawala ang pagod na pilit kong nararamdaman kahit na hindi naman dapat.

sa tagal ko rin na nakatingala sa kisame hindi ko na pala namalayan na nakatulog na pala ako dahil pagdilat ko ng mga mata ko ay sa orasan na kaagad nakatingin ang paningin ko. Eksaktong mag aalas nuwebe na pala ng gabi! Sandali pa akong nag unat ng mga braso bago tuluyan na tumayo at naglakad papalapit sa closet ko para kumuha ng pamalit since hanggang ngayon ay suot suot ko pa rin pala ang uniform ko.

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now