"uy! kanino nanggaling yang bulaklak? ang ganda naman!"
nakangiting salubong samin kaagad ni Gianna ng tuluyan kaming makapasok sa loob ng room kasama si Aiofe. Naurong kasi ang meeting mamaya nalang daw. Nakangiwi ko lang na tinignan siya sandali bago pabuntong hininga na naglakad muli papunta sa upuan ko. Basta ko nalang din na nilapag sa mesa ang bulaklak at padabog na naupo. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin don.
"Anong nangyare jan bakit ganyan?" dinig ko pa na tanong din agad ni Yvette. Nandito na rin pala siya. Humatak lang siya ng upuan at mabilis rin na naupo sa bandang likuran ko.
naramdaman ko ng magkibit balikat si Aiofe na para bang sinasabi niya kila Gianna na hindi at wala siyang alam. Basta nalang din nakapokus muli ang kanyang mata sa bulaklak. Mukhang type niya kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at basta nalang iyon na nilipat at nilapag sa lamesa niya.
"Sayo na yan. Nakita ko kung gaano mo titigan e." binigyan ko siya ng panandaliang ngiti bago muling umayos ng upo. Nakaramdam na din ako ng uhaw kaya sunod ko ng nilabas ang inuminan ko para uminom ng tubig.
nagugulat man ay kitang kita ko na agad sa mukha ni Aiofe ang sobrang saya. Pinikit pikit niya pa iyon na para bang hindi siya makapaniwalang sa kanya na 'yon. Napaisip tuloy ako kung what if mas higit pa doon ang ibinigay ko sa kanya? Siguro baka higit pa roon ang magawa niya.
"Sure ka? thank you!" masiglang sabi niya ng tanguan ko siya matapos uminom.
hindi rin kami lahat ganon na nakapag usap ng matagal dahil pumasok na ang professor namin sa PE. Mabilis rin silang nagsibalikan muna sa kani kanilang upuan at pwesto. Nung una nag discuss lang ng kaunti si sir bago kami sunod na pinalabas para sa gagawin namin na activity.
bitbit ang gamit naming lahat ay nagsimula na kaming maglakad din agad papunta sa lugar kung saan namin dapat gawin ang activity. Pero nang tuluyan na kaming makarating doon ay eksakto naman na may mga nagte training at practice ng basketball. Ganon rin sa volleyball at tennis.
badminton kasi ang PE namin ngayon kaya kailangan na dapat sa maluwag talaga na area pero dahil nga sa maraming nagpa practice, bigla nalang namroblema si sir at sandali na muna kaming pinaupo lahat sa bleachers. Nagbilin lang siya saglit na maiwan na muna niya kami para pumunta sa isa niyang co-professor na PE rin ang subject na hawak.
"Tignan mo tong si Bea, nakakaloka." agad na dinig ko na sabi ni Aiofe. Kasalukuyan kasi siyang nagce cellphone. Pinatingin niya sakin iyon dahilan para makita ko ang message ni Bea sa GC.
sinabi niya na hindi daw muna siya makakapasok ngayon dahil may importante daw siya ngayong lakad. Hindi ko tuloy naiwasan muli ang magtaka. Bakit biglaan naman yata at agad agad? Saka isa pa, kakaumpisa palang ng pasok umabsent na kaagad siya?
sa bagay hindi ko rin naman alam ng husto kung ano ang rason niya. Pero kasi sayang dahil may isa na kaagad siyang absent. Bawas points na rin.
"Ano namang nakakaloka don Aiofe? e qualified naman yung rason na binigay niya?" singit at lingon din agad ni Chandria sa kanya. Sinilip pa niya mismo ang mukha nito habang nakapalumbaba.
"Alam ko. Eme lang yung nakakaloka na word. Ito naman masyado mong sine seryoso! Easy ka lang oy!" nilingon din siya ni Aiofe na may ngiti sa kanyang mukha. So she's truly had a jolly personality huh? Nakakatuwa lang.
"Ano ba naman yan! hindi ko inakala na magkakaroon pala ako ng mga maiingay na kaibigan!" inis naman na sabi bigla ni Yvette dahilan para matigilan ang dalawa sa pag uusap maging ako. Si Gianna kasi busy naman sa pag ce cellphone kaya wala siya munang pakialam samin. Padabog niyang sinarado ang libro na hawak niya at mabilis na umayos ng upo. Ganon nalang niya kaagad itong pinanlisikan ng tingin.
YOU ARE READING
The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's always thinking profoundly.