"May mga friends ka na ah?"Dunggol sakin bigla ni Gaviniel. Nagtext kasi siya sakin na magkita daw kami sa park na malapit lang bahay namin. Hindi ko alam kung ano nanamang trip niya pero pumayag na rin ako since hindi naman ako ganon na ka hassle na magbibihis pa at mag ayos ng husto para lang makipagkita.
Pasado alas siyete pa lang ng gabi pero dahil sa kulay ng kadiliman na sinisilawan ng buwan ay para bang sobrang gabi na. Wala na rin masyadong tao ngayon dito sa park kaya naman payapa ako na mas madali kaming magkakaintindihan na dalawa.
"Anong friends ka jan?" Nakakunot ang noo kong nilingon siya. Nagtataka. Minsan ko pa ulit na nilingon ang suot niya at doon ko lang nalaman na talagang pagtapos yata ng dinner nilang pamilya ay plinano na niyang magpunta sa amin. Nakakamangha lang din isipin na sa ilang oras nila na magkakasama ng pamilya niya ay hindi ko man lang nakitaan ng kahit na anong bahid ng gusot ang damit niya.
"At natulala na nga siya ng tuluyan." Tumatawa at rinig ko na sabi niya dahilan para agad ko na ibalik ang paningin ko sa mukha niya. Ano daw? ako matutulala sa kanya? Bakit sa tingin ba niya yummy siya? Siraulong to! Ang hangin!
"Ayos ka rin e no? lakas ng hangin mo. Anong number ba yan?" Sarkastiko na sabi ko sa kanya, na may halo ng kaunting inis. "Alam mo ano ba kasi ang dahilan bakit mo pa ako pinuntahan? Tandaan mo malamo-"
"Paulit ulit nalang ba tayo Sam?" biglang sabi niya na siyang ikinagulat ko. Bumuntong hininga siya at pagkatapos niyon ay basta nalang siyang naglapag ng maliit na paper bag sa hita ko. Nagugulat ko tuloy iyon na tinignan bago ko ibinalik sa kanya ang paningin ko na nagtataka na. Para saan naman to?
"Buksan mo." Utos niya. Seryoso ang mukha.
"Bakit mo ba ako binibigyan ng ganito? nung nakaraan ka pa nagbibigay ah? Don't tell me na pinabibigay nanaman sayo to ni m-"
"Hindi. This time its from me." daretsong sagot niya at mabilis na inagaw ulit ang paper bag sakin para siya na ang magbukas. Umiwas siya kaagad ng makita ang mga maliliit na hawak niya na sa tingin ko ay mga photo cards. Medyo nagtaka pa ako ng makita ko na ganon nalang kabilis na gumalaw ang balikat niya kaya naman sa curious ko ay pahablot ko na kinuha sa kamay niya iyon para tignan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis ng once na makita ko na ako pala ang nasa photo cards! ponyeta! nakatingala ako ng sobra habang ang isang kamay ko ay bahagyang nakatakip sa bibig ko. Tuwang tuwa! letchugas! nang ilipat ko ulit, tumambad naman sakin ang isa pa. Doon naman ay bahagya ng nakahiga ang ulo ko sa mesa habang nakatingin ako sa gawi I think ni Aiofe. Nakakainis lang din kasi I felt like my mouth was that so big! kingina! kahiya!
Habang abalang abala ako sa pagtingin ng mga nakakagagong litrato ko na kinuha ni Gav, siya naman tawang tawa! tangina! saya niya sobra! Yung tipong akala yata niya nanalo na siya sa lotto! Hayop to! Pinagtripan nanaman ako!
"Talagang nag effort ka pang gago ka e no? Para lang kuhaan ako ng mga litrato na ganito?" sarkastikong sabi ko habang patuloy pa rin sa paglilipat ng mga photo cards habang tumango tango. Pero infairness ah? makapal yung photo paper. "Saka sa susunod if want mo ko kuhaan ng litrato sabihin mo lang, gagandahan ko para sayo." Hinarap ko siya pagkatapos niyon at mabilis na nag pose ng kung ano ano sabay hampas ko sa balikat niya.
Sa pangalawang pagkakataon, nginitian niya lang ako at mabilis na umiling habang patuloy pa rin na tumatawa. Matagal lang kaming nagtitigan na para bang wala ng bukas hanggang sa pareho nalang bigla kaming matigilan ng mawala ang ngiti sa mga labi ng isa't isa. Nakita ko kung gaano na agad lumalim ang tingin niya sakin maging ang pagbilis na paggalaw ng mga mata niya para libutin ang buong parte ng aking mukha.
YOU ARE READING
The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)
RomansaFLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's always thinking profoundly.