"Ang aga mo naman lalayas? Bakit hindi mo muna kami samahan kumain rito?"Daretso akong napalingon kaagad kay Mama ng eksakto na akong makababa sa hagdanan habang abala ko na inihawak ang isa ko na kamay sa sling bag na suot ko. Napayuko ako at napatingin rin kaagad sa relo ko para silipin ang oras. Bahagya na tumaas ang kilay ko ng makita ko na 9 AM pa lang rin naman pala. Kaya sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang kumain muna at sabayan sila Mama.
Hindi na ako nag abala pa na tanggalin ang bag ko at dumaretso na agad sa isa pang upuan na okupado. Kumuha lang ako ng tinapay at pinalamanan na lang rin yon ng peanut butter bago ko tuluyan na kinain. Napangiti na lang rin ako at naiangat ang paningin kay Mama ng kasunod na lang rin non ay makita ko na maglapag siya ng isang basong gatas sa harapan ko.
"Thank you Ma! I love you!" Tumayo na muna rin agad ako para mahalikan ko ang kanyang pisngi.
"I love you too anak!" Nakangiti niya rin ako na tinignan pa bago siya ulit na bumalik din sa kinauupuan niya kanina at pinagpatuloy na muli ang kinakain niya.
Napalingon rin ako kaagad sa gawi ni Tita Vangie ng makita ko na sandali siyang matigilan sa ginagawa niya. Pinalipat lipat niya ang paningin sa aming dalawa at matamis siyang ngumiti sa kawalan bago niya kinuha at ginalaw ang sarili niyang tasa na may kape para uminom.
"Hay sa wakas! Mabuti naman at sobrang okay na ng relasyon ninyong dalawa na mag nanay!" Pagbibiro na sabi pa ni Tita Vangie sa amin. "Maganda yan!"
Tumawa na lang ako ng wala akong masabi at napatingin ulit kay mama na ngayon ay napangiti na lang rin at dahan dahan na napailing. Nang tuluyan ko ng matapos ang kinakain ko, nagpahinga na muna rin ako sandali at sunod din na nilabas ang phone ko para itext si Aiden tungkol sa invitation na pinaabot niya sakin kahapon kila Brent.
Dapat kasi sa condo ko talaga ako matutulog kagabi pero hindi na natuloy pa dahil tumawag rin sila mama sakin eksaktong pag alis nila Xyndrick at pinauuwi ako. Kaya ito ngayon, maaga na nagbihis dahil alam ko na magiging matagal ang biyahe ko since dito ako magsisimula sa bahay. Unlike kasi doon sa condo ko, na siguro magle less ng isang oras ang biyahe since medyo malapit na yon roon.
"Saan ka ba talaga pupunta at ganyan pa kaganda ang suot mo?" Puno ng kuryosidad na pagtatanong sakin ni Tita Vangie ng makita ko na mapatingin siya sa suot ko. Kitang kita sa mata niya ang pagkamangha roon. Nang sunod ko na makita siyang tumingin ulit sakin at akmang nakangisi na ay roon na ako napalunok at agad na isinenyas ang dalawa kong kamay pa ekis.
"It's not like that Tita." Sunod sunod akong umiling rin sa kanya. Ngunit hindi siya tumigil at mas ngumisi pa na siyang naging dahilan ko rin para tumawa na ng wala sa oras. Bakit ba ayaw niya maniwala sakin? Porket nakasuot lang ng ako naman ako ng casual dress na kulay dilaw na pa puff ang sleeves. Hindi ganon na lalagpas sa tuhod ko iyon kaya kitang kita rin kung gaano kaputi ang mga binti ko.
Sinasabi ko naman yung totoo sa kanya. Grabe naman! Ganon na ba talaga agad ang ibig sabihin non para sa kanya? Napasapo na lang rin ako sa sentido ko at sunod ng tumayo. Lumakad na ako palapit rin kay mama para magpaalam dahil sa tingin ko mas mabuti na lang na umalis ako dahil kabisado ko na si Tita Vangie. Hindi niya ako titigilan sa pangungulit tungkol roon.
Narinig ko pa na tinatawag niya ako pero tinawanan ko na lang siya ng malakas hanggang sa makalabas na ako ng gate at makarating sa sasakyan ko. Kinalkal at kinakapa kapa ko muna rin sandali ang bag ko bago ko iyon tuluyan na nabuksan at pumasok sa loob. Eksakto na pagsalpak ko sa susi ko ay napatingin ako sa phone ko. Basta ko na lang rin na sinagot iyon at binuksan ang loud speaker.
YOU ARE READING
The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)
RomantizmFLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's always thinking profoundly.