26

227 2 0
                                    


"Ngayong nalaman mo na, ano ng plano mo?"


Tanong ni Yvette sakin matapos niya akong dunggulin. Kasalukuyan kami ngayong nandito sa condo ni Gianna dahil mag isa lang daw siya at tinatamad siyang kumilos para umalis. Kaya ayon, kami na lang ang pumunta sa kanya.



Tumingin ako kay Yvette at sandali na natigilan. Pero dahil sa wala akong masabi pa kaagad tungkol roon ay tanging kibit balikat nalang ang nagawa ko bago muling ininom ang juice ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako ganon na makapaniwala na may gusto sakin si Gaviniel.




I thought we already deal with each other na were only be friends. Because the way he treated me with all the things that he did, normal lang yon para sakin pero, hindi ko aakalain na iba na pala ang nagiging meaning ng lahat ng iyon para sa kanya.



"Pero matanong nga kita Sam," Napatingin ako sa gawi ni Bea ng siya naman ang magsalita. "Sa tagal n'yo na nagkakasama, hindi mo man lang ba napapansin yung mga kilos niya towards on you?"



"Oo nga, hindi mo man lang ba napansin yon?" Pag iintriga rin kaagad at singit na sabi ni Yvette. Pansin ko sa kanya, habang patagal ng patagal ay nagiging daldalera na rin siya. Hindi naman siya ganyan noon.


Bumuntong hininga ako at saglit na nilapag ang juice ko bago ko inalis ang paningin ko sa kanilang dalawa.



"Hindi. Kasi ang alam ko parehas lang naman kami ng turing sa isa't-isa."


I heard all of them sighed in a deep way after that. Giving me the courage to looked back to them. Isa-isa ko na pinaikot ang paningin ko sa kanila bago ako tipid na ngumiti at umayos ng upo.



"Pero, ito tanong ko ah?" Salita ni Chandria who's now busy to her phone. Busy siya sa pagtitipa ng kung ano roon at hindi ko alam kung para saan iyon pero tumingin rin kaagad siya sakin ng matapos na siya sa kanyang ginagawa. Inirapan ko siya kaagad ng makita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.


"Hi-"


"Teka lang! Wag kang atat! Wala pa nga e!" Pagpapatigil niya rin kaagad sakin. Halos lumuhod na siya sa sahig makalapit lang sakin. Nakita ko pa na sinamaan niya ako ng tingin dahilan para palihim ko siya na siringan.



"Ano ba kasi yung tanong mo?" Masungit na tanong ko.



"Ni minsan ba? Hindi ka man lang nakaramdam ng kahit na ano? Kasi di ba ang tagal tagal nyo ng magkakilala at magkasama." Seryoso na tanong niya. Pero syempre hindi pa rin maiiwasan ang himig ng kilig sa kanya.



"Hindi." Walang alinlangan at daretsong sagot ko. "Pero, mukhang malabo naman kasi talaga ang sinasabi nyo." Dagdag na sagot ko rin kaagad.


"At bakit mo naman nasabi aber?" Nakataas na ang kilay na tanong niya. Nakapalumbaba na siya ngayon at pawang nag aantay at nag aabang na sa mga susunod na sasabihin ko.



"Dahil magkaibigan nga kami nung tao." Mariin na pag uulit ko na sabi sa kanila. "Oo, sabihin na natin na our parents already known each other since we're both freshly graduating in high school. Pero kasi..." Bumuntong hininga ako at basta nalang rin na tinakpan ang mukha ko. Naguguluhan.



Wala akong narinig na ingay mula sa kanila pagkatapos niyon. Nabalot ng katahimikan ang paligid namin at natigil lang iyon ng makarinig kami ng ingay mula sa pinto. Kaya lahat sila ay napatingin roon maliban lang sakin. 


"Oh Babe? Naparito ka?" Dinig ko na sabi ni Gianna. Naramdaman ko ang pagtayo niya at dahil roon, basta ko nalang na nakagat ang pang ibaba na labi ko bago yumuko.


The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now