44

264 3 1
                                    


"Bakit siya yung sumagot at bakit nasa kanya yung phone ng daddy niya?"


Nagtataka at halos hindi pa rin ako ganon na makamove on sa nangyari kanina. Hindi na kasi ako halos nagsalita pa pagkatapos niyon at mabilis ko na rin agad iyon na pinatay. Tahimik ko na kagat kagat ang isang daliri ko habang nakatingin lang rin sa kisame habang nakakunot na ang aking noo. Kasalukuyan na rin kasi ako ngayon na nakarating sa bahay at nagpapahinga.



Inis akong tumalikod at humarap din kaagad sa sandalan ng sofa ng paulit ulit ko nanaman naririnig din ang boses niya sa magkabilang tainga ko. Peste! Bakit ba paulit ulit ko yon na naririnig? Nakakainis!


"Meow... meow..."


Tumigil lang ako sa kakaisip tungkol roon ng basagin at marinig ko si Goffer na mag ingay sa likuran ko. Dahil roon, ang inis ko ay bigla na lang rin kaagad napalitan ng isang magandang ngiti ng umayos ako at harapin si Goffer. Hindi ko rin mapigilan ang mapanguso ng bigla ko na lang maalala kung ilang taon ko na siya hindi ganon tuloy tuloy na naalagaan.



"Hello baby! I miss you!" I said to him. As if like he's responding to what am I saying. "Tita Vangie..." I dramatically suddenly also said when I saw her walking towards to the kitchen. Tumayo na rin ako galing sa pagkakahiga sa sofa at kinarga si Goffer bago sumunod sa kanya.


Hindi siya sumama kila Mama at pinili na lang maiwan dito dahil sinabi niya sakin na ibininigay niya ang oras na iyon para sa amin na buong pamilya. Idagdag pa yung katotohanan na nagpaiwan din daw siya para may maiwan na tao dito sa bahay. Isa pa, inaantay niya rin daw kasi na umuwi at puntahan siya ng mga pinsan ko rito.




"Ako nalulungkot para sayo alam mo ba yon?" Patuloy na pagda drama ko ng makaupo na ako sa high chair hawak si Goffer.



"Jusko kang bata ka tigilan mo nga ako ah?" Sagot niya sakin at sandali na tumigil sa paghahati niya ng kung ano roon bago tumingin sakin. Nakapameywang. "Eh bakit nga pala umuwi ka rito ha? Okay na ba yang puso mo?"



"Tita naman!" Nakanguso at kunwari na angil ko. Yumuko ako at pagkatapos ay dahan dahan na hinaplos ang balahibo ni Goffer para lang maiwasan ang tingin niya sakin. "Hindi ko alam."



Hindi nagsalita si Tita Vangie pero ramdam ko ang paglakad niya palapit sakin. Idinantay niya ang braso niya sa gilid ng lamesa at sa ganon postura niya ako tinitigan. "Siya pa rin ba?"



Inangat ko ang paningin ko sa kanya at bahagya lang na napalunok. Kahit kailan hindi naman yata nabawasan yung pagmamahal ko kay Gaviniel. Kung tutuusin para pa nga yata akong nagsisisi sa ginawa ko na pag iwan sa kanya. Kahit na sa kabilang banda niyon, ay may rason naman ako kaya ko iyon ginawa. Ewan ko ba! Magulo! Sobrang gulo ko!



"Hindi ka naman umiimik, so I already decided and claim it as a yes." Sagot ni Tita Vangie sakin. Sunod ay kumilos na ulit siya pabalik sa ginagawa niya kanina kaya para makatulong na rin ay bumaba na ako sa high chair at nilapag si Goffer para hayaan siya na makagala na muna sa kung saan.


The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now