"Gav, Ano yon? Bakit may ganon?"Kanina pa kami nakatayo sa harapan ng corridor sa tapat ng room nila. Nakakunot ang noo ko na pinagmamasdan siya matapos nung ginawa niya kay Mark. Pero ang siraulo, hindi man lang yata natakot sakin dahil nakuha pa niyang tumawa ng mahina! Nakita ko pa kagatin niya ang pang ibaba niyang labi bago niya ialis ang paningin sakin at pagkatapos ay tumingin sa malayo.
"Gav, wag mo kong daanin sa ganyan mo. Sagutin mo ko. At saka..." Naguguluhan ko na inalis rin ang paningin sa kanya bago sandaling lumingon sa kawalan. "Isa pa, hindi ba't sinabi mo sakin na kakagising mo lang kanina? Papaanong nandito ka na rin kaagad ng ganitong oras?"
"Ano yon? Anong ginaganon pinagsasabi mo?" Maang maangan na sagot niya sakin. Nasa malayo pa rin ang paningin at pawang pinipigilan nalang ang tumawa. "Wala naman akong ginawa. Nagpakilala siya. Nagpakilala lang rin ako."
"Hah!" Sarkastiko akong tumawa. "Really? Pero bakit ganon? parang hindi ganon ang dating sakin?"
Nagkibit balikat lang siya bago niya muling ibinalik ang paningin sakin. Nakangisi. "I don't know. Unless it's not my problem anymore."
"Fine! But you know what? I couldn't figure out why you suddenly acted like this." Pairap ko na inalis sa kanya ang paningin ko at mabilis ng tumalikod para maglakad pabalik sa building namin. Pero wala pa man din ilang segundo ay naramdaman ko na kaagad ang hawak niya sa palapulsuhan ko.
Hindi ako lumingon at nanatili lang na nakatalikod sa kanya.
"Sorry..." Tanging sabi lang niya bago niya binitawan ng tuluyan ang kamay ko. Nang lingunin ko siya ay parang bula nalang siyang nawala kaagad. Napangiwi nalang ako at minsan pa na bumuga ng isang malalim na buntong hininga bago nagpatuloy muli sa paglalakad.
Nilabas ko ang phone ko ng maramdaman kong mag vibrate iyon at mabasa ang chats nila Aiofe sa gc. Kanina pa pala nila ako hinahanap. Hindi na ako nagtagal pa at ganon nalang kabilis na binalik sa bulsa ang phone ko bago ako tuluyan na tumakbo. Hindi ko alam kung saan sila ngayon naroon kaya dumaretso na ako pabalik sa room. Umaasa na baka nandoon sila.
Napahawak ako sa sentido ko at halos bumagsak ang balikat ko ng pagkarating ko roon ay wala sila. Sa pangalawang pagkakataon ay nilabas ko muli ang phone ko para sana itext sila. Pero ganon nalang rin akong napapikit sandali ng hindi na iyon bumukas! Hays! kung minamalas ka nga naman!
"Saan ko na sila hahanapin nito?" Bulong na tanong ko sa sarili ko. "Tsk! Kasalanan to ni Gav e! Kung hindi lang niya ako hinatak kanina."
Sa huli wala na akong choice kung hindi tignan at ilabas nalang rin muli ang registration form ko para makita ko kung ano pa ba ang susunod namin na subject mamaya. Nang makuntento ay patakbo naman akong pumunta sa amphi theater dahil doon banda nakalocate ang room namin for the second subject. Tama nga ang desisyon ko dahil roon ko naabutan sila Aiofe na prenteng prente lang na nakaupo. Napatayo at kaagad rin siyang patakbong lumapit ng makita ako.
"Where did you go?" Nakakunot na tanong niya. Tumingin pa siya sa likuran na para bang may inaantay pa siya bukod sakin. I assume nalang na baka yung lalaki nanaman na tumulong sakin nung umuulan iyon.
"Ano...jan lang. Kinausap ko lang yung kaibigan ko." Sagot ko sa kanya at bahagyang umiwas ng tingin. Nananalangin na sana wala silang nakita sa nangyari kanina sa labas ng library.
"Totoo ba?" Silip niya pa sa mukha ko kaya wala sa sariling naitulak ko ang mukha niya papalayo sakin. Nanlaki rin ang mata ko kalaunan!
YOU ARE READING
The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's always thinking profoundly.