8

277 4 0
                                    


"bakit ka nga ba uminom kahapon?"

Nakatulala akong nakatingin sa labas ng bintana habang nakapatong ang siko at nakahilig ang ulo ng bigla ko nalang marinig ang boses ni Gaviniel. Nakita ko siya sa side mirror na lumingon pa sa gawi ko bago niya muling ibinalik ng mabilis ang paningin sa kalsada. Bahagya na  nanlaki ang mga mata ko at ganon nalang kabagal siyang nilingon at tinitigan. Hindi tulad kanina cool lang siya ngayon na nagmamaneho. 


"ah 'yon ba?" sabi ko pa bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "para magbawas lang ng sama ng loob." 


"Sama ng loob?" panggagaya niya sa sinabi ko na para bang hindi siya makapaniwala. Bahagya pa siyang natawa. Eksakto rin na nag iba ang kulay ng stoplight dahilan para malingon niya akong muli. "nang ikaw lang mag isa?" 


unti unting nangunot ang noo ko. Hindi talaga siya maintindihan. Bakit? ano bang masama kung uminom ako ng mag isa? Isa pa alam ko naman ang ginagawa ko. Saka teka nga! bakit ba? ganito nalang siyang makitungo ngayon sakin? even though wala pa nga yatang isang buwan kaming nagkakasama. 


"Eh anong gusto mo? may kasama ako at ikaw yon?" sarkastiko na sabi ko at mabilis na umayos  ng upo. Nakita ko rin kasi na nag iba na ang kulay ng stoplight. Bumilis na rin agad maging ang pagpapaandar niya sa sasakyan. 


"Wala akong sinabi." mahinang sabi niya sabay U-turn. Halata na sa kanya ang pagod kaya sandali akong lumapit at ganon nalang kabilis na nakihawak sa manibela. Nagtaka pa nga siya nung una dahilan para ihinto niya sa bakanteng lote ang sasakyan bago ako tinignan muli. Alam ko rin na magsasalita pa siya kaya mabilis na akong kumilos pababa ng sasakyan at umikot papunta sa gawi niya. 


"lumipat ka roon sa shutgon seat." tanging sabi ko sa kanya ng mabuksan na ang pintuan. Pero ang lalaki, hindi kumilos at sa halip ay nakatulala lang sakin dahilan para panlakihan ko siya ng mata. "Ano? wag mong titigan yung mukha ko. Isa pa, wag kang mag alala marunong akong magmaneho. Hindi masisira o magagasgasan man lang tong sasakyan mo." 


nakinig naman siya at mabilis na lumipat sa shutgon seat. Ni hindi na nga nakuhang lingunin pa ako pagtapos niyon. Tama rin ako ng hula dahil mabilis na niyang sinandal ang ulo niya sa upuan at binuksan ang radyo. Siguro ang dami na kaagad nilang ginawa ngayong araw kaya siya napagod ng husto. 


"Tignan mo, alam mong pagod ka na nga, pinilit mo pa akong ihatid." bulong ko sa sarili ng matapos ko ng isara ang pinto at magsimula ng magmaneho. 


"Narinig ko yon." sabi niya. pero hindi ko na siya pinansin pa at mabilis ng pinaandar ang sasakyan. 

 sa tagal ko na nagmaneho, hindi ko inakala na ang way pala na sinusundan ko sa waze app ay ang daan pauwi samin. Dahil ang ending non ay sa ibang lugar. Wala tuloy sa sariling napahawak nalang akong bigla sa noo ko. Inis ko na tinignan ang gawi ni Gaviniel na ngayon ay tintignan na pala ako sa side mirror! kagat ang pang ilalim niyang labi habang nakapatong naman sa bintana ang kanyang siko. 


"Kasalanan ko?" nakataas ang kilay na sagot niya. Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o sadyang nang iinis. 


"bakit hindi mo sinabi?" inis na sabi ko. Magkasalubong na ang magkabilang kilay. 


"bakit hindi ka kasi nagtanong?" rebat naman niya. Sabay ayos niya ng upo at lingon sakin bago bumuntong hininga. Agad na rin siyang bumaba sa sasakyan dahilan para basta nalang akong mapapikit ng mariin at manggigil bigla. 



sa huli, wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba din sa sasakyan at sumunod sa kanya. Wala pa man din kami sa pintuan ng bahay nila ay may mga maid na kaagad na lumapit sa amin para sana kunin ang gamit ni Gaviniel. Kaso nga lang hindi niya iyon pinayagan at ganon nalang niya kabilis na iniwas sa kanila ang kanyang gamit. Tinaasan nalang din niya kamay para sa mga ito na para bang sinasabi niya na hindi na niya kailangan ng tulong ng mga ito dahil magaan lang naman ang kanyang mga bitbit. 



The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now