"Where's my daughter?"
Halos kumabog ng malakas ang dibdib ko ng bigla nalang kami makarinig ng isang tinig ng babae. Habang papalapit ito samin ay doon ko na hindi napigilan ang mapatayo kaagad. Ganon rin si Gaviniel pero hindi tulad ko wala man lang takot na makikita sa kanya.
Bahagya ko na naitaas ang kilay ko ng kasunod niyon ay nakita ko siya kung papaanong yumuko sa harapan ng matandang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang rin nila tita Vangie at mama.
"Sino po hinahanap nila Ma'am?" maingat at pinangunahan ko na tanong sa matandang babae. Natikom ko agad ang bibig ko ng matapos ko makita kung papaano niya akong tinignan mula ulo hanggang paa bago niya sunod na binalingan ng tingin si Gaviniel na ngayon ay deretso lang din siyang pinanunuod.
"What's your daughter's name Ma'am?" si Gaviniel na ang sunod na nagtanong. Minsan pa niya akong nilingon na para bang doon pa lang alam na niya kung ano ang ibig sabihin na tingin ng matanda sakin.
"Yvette." strikto niyang sagot sa amin.
Sa pagtingin niya sa amin ng ganon, doon ko na hindi napigilan muli ang mapaisip.
"Uhm...she's taking a rest right now Ma'am in this roo-"
Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko ng pagkatapos niyon ay bigla nalang niya kaming nilagpasan para pumasok sa loob ng room! Hindi ko tuloy maiwasan ang mainis bigla!
Inis ko na tinignan ang pintuan bago ako malalim na nagpakawala ng isang buntong hininga. Sobrang sungit naman non! Mas mataray pa sakin.
"What's that look about?" silip ni Gaviniel sa mukha ko ng maglakad siya papunta sa mismong harapan ko. He bend a little bit so that we're now both in the same level. Halatang pilit akong pinangingiti after what Yvette's mom did to me.
"Nakita mo yung ginawa sakin?" Nakasimangot ko na nilingon siya. "Ako na nga yung tumulong sa anak niya tapos ganon niya ako pakikitunguhan? Tsh! it's unfair!" pagrereklamo ko pa. Hindi ko na rin naiwasan ang maihilamos ang likurang bahagi ng kamay ko sa mukha ko. Nakakainis!
"Halika na pancake." Pangungulit pa sakin ni Gaviniel habang pilit niya na inaalis at kinukuha ang magkabilang kamay ko. Pero pilit ko pa na dinidiinan iyon. Ngunit dahil lalaki siya ay mabilis niya iyong natanggal at hinatak na ako palabas.
I thought he was still had his class because I heard his blockmates calling his name pero mukhang wala siyang narinig dahilan para saglit na mapahigpit ang kapit ko sa kanyang braso.
Napatingin siya sakin ngunit hindi kaagad na nagsalita. Bahagya pa niya akong pinagtaasan ng kilay kaya mabilis ko na isinenyas sa kanya ang mga taong tumatawag sa kanya. Pero hindi niya man lang iyon pinag aksayahan ng kakarampot na oras para kausapin. Itinaas niya lang ang kanyang kanang kamay at sa gano'ng paraan niya kinawayan ang mga iyon bago niya akong inakay muli.
"Siraulo ka! bakit hindi mo man lang sila kinausap. Ang sama mo!" mahina ko siyang binatukan sa ulo matapos namin makarating sa parking lot. Natawa lang siya at mabilis akong pinagbuksan ng pinto. Loko loko!
Habang nasa biyahe, tahimik lang akong sumandal sa upuan. Lumilingon ako sa labas pero paminsan minsan lang. Tulad noon wala nanaman ulit akong kaide ideya kung saan niya ako dadalhin. Ewan ko ba dito sa lalaki na to, simula nung nalaman na niya lahat ng lugar dito sa pilipinas, pansin ko na mas nagiging gala na siya.
"Ano hanggang ngayon dinidibdib mo pa rin ba ang naging pakitungo sayo ng mama ng kaibigan mo?"
halos magulantang ako ng bigla ko nalang marinig ulit na magsalita si Gaviniel. Napalunok lang ako at mabilis na inangat ang paningin sa side mirror para doon salubungin ang kanyang tingin. Daretso lang siya na nakatingin sakin but it so obvious that he playfully wanted to teased me. Alaskador talaga kahit kailan!
YOU ARE READING
The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)
RomansFLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's always thinking profoundly.