"Will you hangout with us bro?"
Tipid akong binigyan ng ngiti sila Brent at umiling. Eksakto kasi na natiyempuhan nila akong nag iisang nakaupo sa isang bakanteng upuan ngayon dito sa coffee shop na malapit lang sa site kung saan namin inaasikaso ang bagong building na proyekto. Katatapos tapos ko lang rin makipag usap sa architect para linawin pa ang mga kailangan na ayusin at bawat baguhin sa style ng building.
Sa totoo lang, puro kape lang yata ang laman ng tiyan ko ngayong araw dahil sa isipin ko tungkol kay Samantha. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas simula nung nakipaghiwalay siya sakin gawa ng pagkawala ng oras ko sa kanya dahil sa sunod sunod na pagdating ng mga bagong proyekto at trabaho sakin. Kagagaling galing ko lang rin sa kanila para sana makausap ko siya pero huli na, dahil wala at nakaalis na raw si Samantha para pumunta sa ibang bansa.
Gusto ko man na tanungin sa kanila kung saan siya nagpunta pero alam ko rin naman na hindi nila iyon sasabihin at hahayaan na malaman ko. Kaya sa huli, ay umuwi na lang rin ako at pinagpahinga ang sarili ko.
"Bakit ayaw mo? Mag a-alak nga tayo eh para mabawasan yang sakit na nararamdaman mo." Makulit na sabi naman kaagad rin ni Brent.
"Asshole!" Binatukan siya ni Xyndrick at sabay na tumingin rin sakin pagkatapos niya umupo ng maayos. "Gav, I think you should let her alone for this time first." He letting out a heavy sighed. "So that she could giving having her own peace. I know that what happened to the both of you was truth fully hurt but that's what I think the good thing for you to do."
Tumingin ako sa kanya at hindi kaagad ganon na nakapagsalita. I know my wrong but she think that's what the best thing she can do to ease her pain? Hindi ba pwedeng pag usapan na lang namin to ng maayos ng hindi siya lumalayo sakin? Kasi sa totoo lang, kung nasasaktan siya, mas nasasaktan ako dahil iniwanan niya ako at umalis ng wala man lang paalam.
"I missed her already.." Tanging nasabi ko. Pinalipat lipat ko ang paningin ko sa kanilang dalawa bago ako tumingin sa labas. Iniisip kung papaano o ano ba ang paraan na dapat kong gawin para makausap siya at makapagpaliwanag sa kanya.
"Wala naman kasing nasasabi sakin sila Gianna kapag nagtatanong ako tungkol kay Sam." Kamot kamot ang ulo na sabi ulit ni Brent. "Kung meron lang, sasabihin at irereport ko sayo araw araw dude."
Hindi na ako nag abala pa na magsalita ulit at basta na lang na tumayo at kinuha ang bag ko para lumabas na iwanan sila roon. Bigla na lang akong nawala sa mood. Pinigilan ko na bumagsak na lang rin kaagad ang nagbabadyang luha ko na gustong pumatak. Nilapag ko lang sa shutgon seat ang bag ko bago ako tuluyan na nagmaneho paalis roon.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sasakyan ko pero nasisiguro ko na sa isang payapa yon. Wala rin naman akong gagawin sa bahay dahil wala roon si dad kaya walang rason para umuwi ako roon ganon rin sa condo ko dahil ako lang naman din ang mag isa na nakatira roon.
YOU ARE READING
The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's always thinking profoundly.