43

250 3 2
                                    

"Sisipain kita jan kapag hindi ka pa tumigil sa kakaiyak mo." 


I looked at Stephanie who's now busy typing to her laptop. May tinatapos kasi siya na mga papers since naghahabol sila na matapos ang copy of sales ng kompanya na pinapasukan niya. Grabe hindi ko alam pero kahit na ilang buwan na kaming wala ni Gaviniel ay parang tanga pa rin ako na kusa na lang tumutulo ang luha. Idagdag pa ang katotohanan na ilang buwan na lang rin ang natitira at magbabago na ang taon. 


Hindi rin naging ganon kadali sa akin ang ginagawa ko na pagmo move on sa nangyari na break up. It was a hard time for me to know and to explore more things just to escape myself from so much sadness. There was one time that I had also to stop myself to work because of the bad condition that I felt pero hindi naman yon ganon katagal at bumalik rin ako kaagad. Lumipas na rin ang ilang months na humantong na ako sa punto na hindi ko na alam kung anong balita at update sa kaniya. 


"Masama na bang umiyak? Saka isa pa, hindi naman na siya ang iniiyakan ko." I told Stephanie with a bit laugh. Umayos na rin ako ng upo para abutin ang isang box ng tissue para punasan ang mukha ko dahil nararamdaman ko ng ang chaka na ng itsura ko. 


"Really huh? Eh sino naman na pala kung ganon?" Stephanie said still not looking at me. 


Napahinto ako sa pagpupunas ko at masama siyang tinignan. Really huh? Kailangan pa ba talaga na may rason ako kung sinong tao para umiyak? 


"Duh! Hindi ba pwedeng may naalala lang ako?" I yelled, defending myself to her. "Baka nga ikaw na pala tong may bago na jan." 


I just rolled my eyes after and stood up para pumunta sa bathroom at iwanan siya roon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano na lang nanaman ang masabi ko. Mas mabuti na rin siguro yon para makapagrelax ako kahit papaano. While waiting to full the water inside  the bathtub, bigla na lang rin pumasok sa isip ko ang isipin kung kamusta na si Kelsie. Siguro ngayon malaki na siya at dalaga na tignan. 


Since we moved here in California, hindi ko kailanman sinubukan na kalimutan ang mga kaibigan ko na nasa Pilipinas. Dahil sa katunayan na sila ang isa sa mga bagay na pinaka importante sakin. Meron din naman ako na mga kaibigan dito sa California pero pili lang at bilang lang sa daliri. They were also good to me but still, for me my girls was still the best. 


"Your phone was ringing over and over again. Kanina pa yan" Stephanie told to me when I was already went out of the bathroom. Tinuro pa niya kung saan nakapatong ang phone ko kaya naman mabilis din akong napalapit roon para kuhain yon at tignan. 


"Unknown number naman," I said to her. Pagkatapos ay nilapag ko na lang muna ulit yon roon sa side table para pumasok sa kwarto ko at magbihis. "Sino naman kaya yon? At alam pa talaga ang number ko ah?" 


"Kailan ulit ang flight mo at anong bansa naman ang pupuntahan mo this time?" She asked on me again when I came back complete fixing myself kahit na wala naman akong lakad at pupuntahan. 


"Thailand, why?" Tumingin ako at humarap sa kanya habang sinusuklay ang sarili ko na buhok. Napansin ko lang rin na mukhang kailangan ko ng magpalit ng shampoo dahil naglalagas ng kaonti ang mga buhok ko. Pesteng yawa! "Do you have any appointments ba from other countries again?" 


"Hm... wala naman," Sandali siya na tumigil muna rin sa ginagawa niya at lumingon sakin. Sumandal siya sa kinauupuan niya habang magkakrus ang magkabila niyang mga braso. The typical pose that she already owns. "What if magbakasyon kaya muna tayo roon after ng end season?" 


"Woah," Namamangha na sabi ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at tinakpan ang sarili kong bibig gamit ang magkabila kong mga kamay. Kunwari'y nang aasar. "Biglaan naman yata? Wala ka bang sakit?" 


The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now