10

333 6 0
                                    


"So it means ikaw yung...yung nagtext sakin ngayon lang?"

nagtataka ko na pinalipat lipat ang paningin sa mga mata niya dahil hanggang ngayon kasi ay nakaupo pa rin siya sa harapan ko. Inaantay siyang sumagot. Napakagat siya sa kanyang labi at minsan pa niya iyong binasa bago siya tahimik na tumango sakin. Hindi ko naiwasan ang matawa ng mapansin ko siyang mapakamot sa batok niya. He look so shy right now.

"Mama mo ang nagbigay sakin ng number mo." maikling paliwanag niya.

"bakit daw? at para saan?"

"para ano..." napahinto siya sa sinasabi ng mabilis niyang marealize ang tanong ko. Mas nagtaka pa ako lalo ng bigla nalang din siyang tumayo kaagad para ayusin ang suot niya na hindi naman ganon na nakusot. Napaisip tuloy kaagad ako kung bakit ganon nalang siya bigla kumilos. Nakakapanibago.

"para ano?" pang gagaya ko sa kanya, habang nakatingala na ako sa kanya at daretsong nakatingin sa mga mata niya. Inaantay na magsalita siyang ulit.



"kasi ano para daw may contact tayo sa isa't - isa kapag once na halimbawa't ginabi ka raw ng husto." pag uulit niya sa sinabi kanina na hindi naman ganon kaagad na nakapag pakumbinsi sakin na maniwala. Masyado kasi siyang halata kaagad na nag a alibi at nagsisinungaling lang habang sinasabi iyon. Idagdag pa yung bigla niyang pag iwas ng mukha sakin.


gusto ko man siyang tawanan pero hindi ko na ginawa hindi dahil sa natatakot ako, kung hindi nag aalala na baka mamaya pala ay nakasilip na sa amin ang pareho naming mga magulang. Iniisip ko rin na baka mamaya i-ship nila kaming dalawa kahit na wala naman akong nararamdaman sa lalaki na'to. Because For me, I'm already happy with our friendship status.


"Ah yon pala yon?" nakangiting sabi ko nalang din sa kanya at akmang tumayo na rin para matabihan siya. We're now both looking only in the dark sky right now with a million of stars that silently twinkling far from us.

"Oo. Bakit?" sagot niya din sakin. Halatang may halong pang aasar na sa boses. Agad na nangunot ang noo ko at mabilis na inalis ang paningin sa mga bituin para maituon sa kanya. Ito lang yung nakakainis sa kanya e, yung nag uusap kami ng seryoso tapos bigla nalang siyang magpapasok ng kalokohan.


akmang hahampasin ko na sana din siya sa braso niya sa inis na naramdaman ko kaagad ng eksakto naman siyang lumingon sakin! Nagtaka at nangunot lang din ang noo niya ng mapansin ang kamay ko na nakataas. Kaya naman para hindi ako mapahiya ay kaagad nalang akong tumawa ng peke sa kanya at nakayukong ipinang pagpag ng mabilis sa pang itaas ko ang kamay ko kahit na alam ko naman na walang kahit na anong dumi 'yon.


pagkatapos niyon ay nagpasya na akong ayain siya para pumasok sa loob ng bahay since malamok na sa backyard. Nakasunod lang siya sa likuran ko hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok at maglakad papunta sa sala. Agad na lang rin akong napatigil saglit sa kinatatayuan ko ng bigla nalang lapitan ni Gaviniel sila mama at papa para magmano.

"Good evening po!" bati ni Gaviniel pagkatapos niyang maupo nalang din bigla sa tabi ng daddy niya.

naguguluhan tuloy siyang tinignan kaagad nila mama lalo na ni papa. Paano kasi ay ngayon niya lang ito nakita. Napabuntong hininga lang ako at naglakad papalapit sa kanila at para na rin maipakilala si Gaviniel kay papa. Doon ko lang rin napansin na wala ro'n sila Kuya Harvey at Tita Vangie. Siguro umakyat na sila sa kwarto nila.

"Dad he's Gaviniel. My friend, Gaviniel papa ko." maikling sabi ko.

"Hello Sir, It's nice to meet you again po." nakangiting sabi ni Gav kay papa.

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now