"Sino kaya sa mga wala pa ang male late this time?"Kasakuluyan akong abala sa pag i scroll sa phone ko ng marinig ko ang boses ni Yvette. Ngayong araw na kasi gaganapin ang tour namin. Napamaang akong napatingin sa kanya at saglit na natigil sa ginagawa. Bukod kasi sa siya pa lang ang kasama ko, ang iba ay nag chat at nagtext sakin na otw na daw sila.
"Hmm? I think it was Gianna this time." Sabi ko sabay talikod ko sa kanya para ayusin ang mga iba ko pang mga gamit. Sa sobrang excited ko kasi kanina ay basta ko nalang silang isinalpak sa bag ko.
"Paano mo naman nasabi?" Nagtataka na tanong niya sakin. Tumayo siya at nag effort pa na lumipat ng upuan para lang masilip ang mukha ko. "Don't tell me she did it again?"
Nakangiwi ko na inangat muli ang paningin ko sa kanya at walang salita na tumango. Kumilos na rin ako para itago sunod ang phone ko para mamaya ay may magamit ako pang capture ng mga magagandang lugar na madaraanan namin.
"What the..." Halos hindi makapaniwala nanaman na reaksyon ni Yvette. Napatakip siya sa labi niya at para bang ganon nalang yon ulit kabago sa pandinig niya kahit na ang tagal naman na naming alam na ginagawa yon ni Gianna. "I thought she already quitting on it na anong nangyare?"
Bumuntong hininga ako. "I don't know." Bored na sabi ko.
Napalingon kami at natigil rin kaagad sa pag uusap ng eksaktong makita namin na sunod sunod na pumasok sila Aiofe, Chandria, at Bea na mga halatang ganon nalang din ka excited sa tour puwera lang kay Gianna na bahagyang nakapikit at nakalapat ang kamay sa kanyang noo.
Tumikhim ako at mabilis na umayos ng upo palihim ko na tinadyakan ang paa ni Yvette dahilan para mapaayos rin siya ng upo. Mabilis siya na humigop nalang rin agad sa kape na hawak hawak niya.
"Anong mga dinala n'yo dzai?" Masiglang dunggol kaagad ni Chandria kay Yvette bago niya kami tinignan isa isa. Pabiro pa siya na humiga sa balikat nito. "Sakin konti lang dinala ko 2 days lang naman daw kasi 'yon tama ba?"
"Puro damit lang dinala ko saka bikini." Nakangiting sabi ni Aiofe. "Nabalitaan ko kasi na pwede naman daw yatang maglaro doon."
"Anong maglaro? Saka ng ano?" Nagtataka naman siyang tinignan kaagad ni Bea. "Hindi ba kaya lang tayo pupunta roon dahil para sa educational purposes?"
"Oo nga, for educational purposes yon. Pero naisip n'yo ba na ang pangit kapag yon lang talaga at walang thrill and enjoyment na mangyayare?" Lumayo siya kaagad sa kinasasandalan niya bago niya inikot ang paningin sa amin isa isa. "Hindi di'ba? Hindi magiging sulit at memorable kapag ganon."
Palihim akong napakagat sa labi bago siya tinignan. "Okay, let's say na hindi ka mag eenjoy kapag walang ganon. Pero anong magagawa mo if yon lang ang nakalagay sa policy?"
Napatigil siya at ganon nalang kabilis na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko na siya ganon pa katagal rin na tinignan dahil tumunog na ang relo ko senyales na oras na namin para umalis. Di rin naman nagtagal ay nagsi asikaso na rin sila para ayusin ang mga gamit nila at mabilis na sumunod sakin papunta sa labas ng DLU dahil naroon na ang mga bus.
Pagpasok palang rin sa bus ay kaagad na akong humanap ng pwesto. Napangiti ako ng makita na wala pang masyadong nakaupo sa dulo kaya mabilis na akong naglakad papunta roon. Aiofe was also my seatmate in the end. We had a little few conversation about something but then, after that she was saying she wanted to take a nap so I let her. Sinabi ko na gigisingin ko nalang siya when we already arrived there.
Sa araw din na iyon I did not think that the boyfriend I had will suddenly breaking up on me. That asshole na Mark din ang pangalan. I cried that night but it was quick. Hindi naman kasi yon ganon ka gwapo kaya sapat na yung iyak ko na yon.
YOU ARE READING
The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's always thinking profoundly.