17

197 2 0
                                    


"Fidanzato."



Kunot noo akong napatingin at naguguluhang tinignan si Gaviniel matapos marinig ang sinabi niya. Napalunok ako at minsan pa ulit na nilingon si Bea na nagtataka na ng sobra. Pinalipat lipat pa niya ang paningin sa aming dalawa.



Napapikit ako at halos ganon nalang kalakas siyang hinampas sa braso. Ang galing niya talaga kahit kailan mamikon! Oo napikon na niya kaagad ako. Lumayo siya at kaagad na humawak sa braso niya. Umakto na para bang nagdugo at nawala na ang kanyang buto.




"Anong sabi mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.




"Wala. Sabi ko ang ganda mo." Nakangisi na sabi niya sabay lapit niya sakin para guluhin ang buhok ko. Kinindatan pa niya ako ng hindi siya makuntento!





Parehas kaming napataliwas ng bigla naming marinig na umubo si Bea. Napako ang paningin ko sa labas ng bintana habang si Gaviniel naman ay kumilos lang ng normal at parang walang nangyari. Pagkatapos niyon ay walang salita na niyang ini-start ang sasakyan. Pero bago pa man niya iandar ay naramdaman ko pang tumingin siya muli sakin dahilan para biglaan kong buksan ang bag ko at umakto na may hinahanap. Kahit na ang totoo ay wala naman talaga.




"Sorry! May ubo kasi ako kaya ganon." Pagpapaumanhin at makahulugang sabi ni Bea. Gusto ko man siyang lingunin muli sa likod ay hindi ko na magawa pa dahil alam ko naman na palusot niya lang yon para asarin na ako!






Buong biyahe ay napuno lang ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Maluwag na rin ang kalsada kaya naman mas mabilis naming naihatid isa isa ang lahat sa kani-kanilang bahay. Habang nasa biyahe rin kanina pabalik ay isa isa ko ng kinontact ang mga parents nila at nagpaliwanag dahilan para hindi na sila mag alala pa. Ilang minuto pa ang lumipas bago namin tuluyan narating ang bahay nila Aiofe.






Paghinto namin sa labas ng bahay nila ay tanaw ko na kaagad ang nakababatang kapatid niya. Umikot siya agad sa gawi ko kaya naman mabilis ko na ibinaba ang salamin ng bintana.




"Hello!" Ngiting bati ko sa kanya.





"Hello din po!" Ngiti niya rin sakin sabay kaway bago mabilis na lumingon sa likuran ko para hanapin ang ate niya. Naningkit pa siya ng minsan dahilan para tapikin ko ang binti ni Gaviniel para utusan siyang buksan ang ilaw na kaagad rin naman niyang ginawa. "Hay nako! si ate talaga!"





Napakamot nalang siya at wala sa sariling napairap sa ere. Hindi nagtagal ay bumaba na rin kaagad kami ni Gaviniel para maibaba si Aiofe na sobrang himbing na himbing na sa tulog. Matapos niyon ay sunod namin na hinatid si Bea sa dorm na inuupahan niya pero sa kasawiang palad ay sarado na iyon at halos wala ng sumasagot kahit kumatok pa kami ng ilang beses.





Sa lahat ng hinatid namin siya lang ang walang nauwian ngayon kaya naman nagdesisyon na akong sa bahay ko nalang muna siya patuluyin. Since marami naman akong uniform at maipapahiram na damit sa kanya.





"Mabait ka na niyan Sam?" Pang aasar bigla na sabi ni Gaviniel sakin sa kalagitnaan ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Kunot noo ko siyang nilingon kaagad at pinagtaasan ng kilay. Nagtataka.





"Oh? wag mo sabihing susungitan mo ako?" Saglit pa niya akong nilingon habang nakangisi bago siya muli tumingin sa kalsada.





Hindi ako nagsalita at tahimik lang siyang tinignan. Ni hindi ko rin namalayan na sa sobrang pagtitig ko sa kanya ay dahan dahan na palang naglalakbay ang mga mata ko para lang makita ng husto ang suot niya. Suot niya na simple lang naman pero para sa akin ang lakas na kaagad ng dating.





The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now