Naruto's POV
Hindi talaga ako makapaniwala na si Pervy Sage at Grandma Tsunade ay couple na, dattebayo. Ano kayang ginawa ng matandang yon para mapasagot si Grandma. Haiyst. Ano ba yan, makapaghanda na nga lang sa misyon baka mamaya mapagalitan na naman ako ni Grandma Tsunade. Hindi ako late nagising ngayon dahil nakakatakot talagang magalit si Granny, baka mas lalo pang magalit sa akin yon kung gigising ako ng late. Habang gumagayak ako, may kumatok sa pintuan ko. Agad naman akong lumapit sa pintuan at binuksan ko ito.
"Ikaw pala Pervy Sage! Bakit nandito ka? Anong meron?" tanong ko sa Master ko dahil ang aga niyang pumunta dito sa bahay.
"Yayain kitang kumain ng ramen, since hindi tayo natuloy kagabi kasi alam mo naman si Granny Tsunade mo." nakangiting sabi sakin ni Pervy Sage. At ako naman ay natuwa sa sinabi niya. Good timing! Nagugutom pa naman ako.
"Ikūzo! Pervy Sage! Nagugutom na ako." excited na sabi ko at kinuha ang mga dapat kong dalhin sa misyon para diretcho na lang alis, at nilock ko na ang bahay. It's 5 in the morning pa lang. Yup, maaga pa. Ayos na rin to para naman makakain pa ako bago kami umalis. Finally! Ichiraku Ramen!
"Itadakimasu! Ang sarap ng ramen, tamang tama bago man lang mag misyon." inamoy ko ang ramen at agad na sumubo. Napakasarap talaga ng ramen dito sa Ichiraku!
"Oy Naruto, dahan dahan lang, parang hindi ka naman kumain ng ramen for years." pagbibiro sa akin ni Pervy Sage habang kumakain na din siya. Samantalang ako, patuloy lang sa pagkain ng ramen. At bigla kong naalala ang patungkol kay Pervy Sage at Grandma Tsunade, kaya naman napangiti ako ng nakakaloko at tumingin kay Pervy Sage.
"Oi. Pervy Sage, totoo ba talaga na kayo na ni Grandma Tsunade?" tanong ko habang nakangiti ng nakakaloko.
Halos mabilaukan si Pervy Sage, hindi ko alam kung dahil sa kinikilig siya dahil namumula siya o dahil muntikan talaga siyang mabilaukan."Hala? Kinikilig ka ba Pervy Sage?" I teased him and I laughed.
"Bakayaro! Gusto mo bang bayadan lahat ng ramen na yan?" sabi niya sa akin na napaghahalataang tinatago ang kilig na nararamdaman ng matandang ito.
"Oi Pervy Sage, you don't need to hide, halatang halata sayo na kinikilig ka 'ttebayo." sinabi ko at sumubo na ulit ng pangatlong bowl ng ramen.
"Hays! Baka Naruto. Oo kami na nga ni Tsunade." he said while eating his ramen.
"Master Pervy Sage! Bigyan mo naman ako ng tips oh, pano mo napasagot si Granny?" curious kong tanong. "Para naman mapasagot ko na rin si Sakura." ngumiti ako at humigop ng sabaw ng ramen.
"Baka! Maghintay ka Naruto, darating din kayo jan." sabi niya sa akin ng seryoso. Ano ba yan, mas lalo tuloy akong nawalan ng gana.
"Oi, Naruto. Mag-iingat ka sa misyon mo, lalo na ngayong mas gumagawa ng aksyon ang Akatsuki" seryosong sabi niya sa akin. Kaya naman naging seryoso ako ng sandali.
YOU ARE READING
We Are One
FanficTsunade and Jiraiya are bestfriends since childhood. Tsunade met his lover Dan, but one day he died because of the Ninja War. Tsunade didn't know what to do. Until one day, she gave a chance to Jiraiya. Paalala: Ang istoryang ito ay fan-fiction lam...