Chapter Twenty-six: Offsprings

27 5 6
                                        

Tsunade's POV .

Narinig ko ang bawat salita niya na para bang umalingawngaw sa buong paligid. May anak tayo, Tsunade. Para akong binagsakan ng napakabigat na bato. Napalakas ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba lang, kundi dahil sa hindi ko alam kung galit ba ako, nagugulat, natatakot, nalilito o lahat-lahat na ng pwedeng maramdaman.

"Ha?" halos pabulong kong sagot, para bang baka mag-iba ang sagot niya kapag mahina akong magsalita. O baka nagbibiro na naman ang kumag na ito. "Anong... anong sinabi mo?" Huminga nang malalim si Orochimaru. Mabagal. Parang matagal na niyang dala ang bigat na iyon at ngayon ang pagkakataon na ito na kanyang inilabas.

Dahan-dahan siyang humarap. Wala ang tusong ngiti niya. Wala ring yabang.

"May anak tayo," ulit niya, mababa ang tono.

Napataas ako ng kilay, napaatras ng kalahating hakbang. "Teka lang ha? Orochimaru. Anong anak? Wala namang nangyari sa atin. As in wala! Anong pinagsasabi mo na anak? Nagda-drugs ka ba?" Sarkastikong tawa ang nilabas ko at hinipo ko ang kanyang noo dahil baka masama lamang ang kanyang pakiramdam.

"Sira ka talaga. Anong drugs ang sinasabi mo? Mukha lang akong nakadroga pero hindi ako gumagamit non." Pailing niyang sabi at bumalik sa seryoso ang kanyang pagmumukha. "You're right. Wala ngang nangyari sa atin pero we have a child, Tsunade." Napakunot na naman ang aking noo sa sinabi niya. Bwisit, litong lito na ako sa buhay dumagdag pa itong kumag na to. Maybe there was something he did. Napabuntong hininga ako ng malalim bago siya sagutin.

"Then how?!" Medyo pasigaw na tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim. At that moment I saw his face alam ko na may ginawa siya. At ayaw kong marinig pero kailangan at dapat.

"Tsu..tsunade... I used our DNA." Deretcho niyang sinabi ng walang pasikot sikot. Napanganga ako mula sa aking sentido, napatulala ako ng bahagya.

"YOU FREAKING WHAT?!!!" Hindi ko alam kung nagulat ako o nagalit sa aking narinig. Knowing him, he has a lot of crazy ideas.

"Ginamit ko ang DNA mo at DNA ko." Hindi nagtaas ng boses si Orochimaru, kalmado lang ang pagkakasabi niya na para bang ayaw na niyang gawing kumplikado ang lahat. "It's like Yusuke, in the parallel world. And now sa mundo natin, you and me are his parents. And he's name is Hiroto." He added. I froze for a moment thinking about him. Napatitig ako sa kanya, hindi makagalaw. Hindi makahinga. Hindi makapaniwala.

"You make me a parent without even knowing? Pucha ka naman Orochimaru." Pagalit na sabi ko sa kanya.

"Look, Tsunade... Kung iniisip mo na dahil sa isang eksperimento at gagamitin ko siya sa masamang balak, nagkakamali ka. I created him because --".

"Because of what?" Halos pabulong kong tanong na may halong inis sa aking boses.

"Because I want a legacy of us. Gusto ko kapag nawala na ako dito sa mundo, meron akong maiiwan. Isang kayamanan na maaalala ako. Isang tao na kinikalala na masama pero nagbago para sa kanyang minamahal." He almost cracked his voice. Nakita ko sa mga mata niya na may mga luhang ayaw pumatak. Hindi ko alam kung magagalit pa ba ako o maaawa ako dahil naiintindihan ko lahat ng sinabi niya. Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. "Call me selfish but hindi mo ako masisisi, Tsunade. That was the best choice I ever had. Only to use your DNA and mine, kahit walang nangyari sa atin. Dahil ayoko rin ipagpilitan ang sarili ko sayo." Doon na tumulo ang kanyang mga luhang kanina pa nagpupumiglas kumawala. Nang walang ano-ano, niyakap ko siya. Napaluhod siya at mas lalo siyang humagulgol. Narinig ko ang pag-iyak niya sa balikat ko, hindi malakas, hindi ramdam ng buong mundo, pero sapat para maramdaman kong matagal na niyang dinadala ang bigat na iyon. Ang Orochimaru na kilala ko, ang walang puso, ang walang awa, ang walang damdamin, ngayon ay humahagulgol sa sahig na para bang ito ang unang beses na naging tao siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Are OneStories to obsess over. Discover now