Author's Note:
Hey guys! Almost a year din akong hindi nakapag-update and for personal matter. Hindi ko kasi alam kung maitutuloy ko, pero here it is onti onti akong maguupdate guys. Medyo magiging busy din ulit ako, kaya just enjoy this chapter! Also comment naman jan yung mga Filipino readers😆😁 Arigatougozaimasu! 💖------------------------------------------------------
Sakura's POV
Ilang araw na ang insidente matapos akong bumalik kung nasaan sila Captain Yamato, Sai at Naruto. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Si Utakata ang Jinchūriki ng Rokubi. Alam kong hindi na biro ang misyon namin, kaya naman nagrequest na kami ng back-up. Nahanap na ni Naruto ang kamag-anak na pinapahanap sa kanya ni Hotaru. Medyo naging matagal din ang paghahanap ni Naruto. At sa hindi inaasahan, nakalaban niya ito kaya naman ginagamot ko ngayon si Naruto dahil may mga ilang sugat siya. Pero alam ko na magiging ayos din agad siya. Kaya agad ko ng ginawa ang first aid sa kanya. Habang sila Captain Yamato at Sai ay nakaupo, may biglang gumagalaw sa may mga halaman. Agad kaming nagkatinginang apat.
"Oo, may mga nakapaligid sa atin." sabi ni Captain Yamato at kami ay naging alerto at handang makipaglaban kung sino man ang dadating na kalaban. At may biglang lumitaw sa aming harapan.
"Yo! Are we late? How are you guys doin?" Napabuntong hininga kaming apat. Sila Jiraiya-sama lang pala at si Kakashi-sensei.
"Eee..!! Akala namin mga Akatsuki na. Kinabahan kami dun!" sabi ko naman and I chuckled.
"Oy Pervy Sage?! Pambihira! Bakit ngayon lang kayo dumating?" Pagrereklamo ni Naruto. Ako naman napabuntong hininga na lang, dahil sa sobrang ingay nya ay sanay na sanay na ako.
"Baka yo! Malay ba namin na Akatsuki na pala ang haharapin ninyo. Pasalamat ka nga dumating pa kami. Kumusta kayo?" Binatukan ni Master Jiraiya si Naruto at agad siyang naging seryoso sa pagtatanong niya.
"Ayos lamang kami Jiraiya-sama. Salamat dahil pinadala agad kayo ni Tsunade-sama dito." Sabi ni Sai na nakangiti.
"Mabuti na lamang nagreport ka agad Sai, kaya nag-alala agad ni Master Tsunade sainyo at agad kaming pumunta." Pagsasabi ni Kakashi-sensei.
"Pero may dapat tayong harapin.. Handa na ba kayo?" Seryosong sabi ni Master Jiraiya. Napatahimik kami dahil alam na naming may mga nakapaligid sa amin, at alam namin ay kahit anong sandali ay handa na kaming kalabanin. And we are all just nodded as a sign that we are all ready to fight.
"Uzumaki Naruto... Ang jinchuriki ng Kyubi." At biglang nagpakita na lalaki na nakasuot ng damit ng Akatsuki.
"Sino ka?" Iritang tanong ni Naruto sa lalaki.
"Siya ang leader ng Akatsuki.. Walang iba kundi si Pain." Nagulat at nanlaki ang aming mata sa sinabi ng isang miyembro ng Akatsuki. Nagkatinginan kaming lahat at alam naming nakakagulat kahit alam na namin na maari naming makaharap ang leader ng Akatsuki. Ngumisi si Master Jiraiya and he step forward malapit sa leader ng Akatsuki.
"Hishashiburi dana Yahiko." At mas nagulat kaming lahat dahil kilala ni Master Jiraiya ang leader ng Akatsuki.
"Jiraiya Sensei, kumusta?" Pagtatanong ng leader ng Akatsuki kay Master Jiraiya.
"Teka nga! Oi Pervy Sage! Kilala mo ang leader ng Akatsuki?" Pagtatakang tanong ni Naruto kay Master Jiraiya.
"Kagaya mo Naruto, isa siya sa naging estyudante ko." Sabi ni Master Jiraiya na may pagbubuntong hinginga. "At hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan tayo ulit muling magkikita, Yahiko." Pagdadagdag na sabi ni Master Jiraiya na may halong pagtataka.
"Kagaya ng gusto mo Master Jiraiya, gusto ko lang makuha ang kapayapaan. At makukuha ko lang iyon kung ibibigay nyo sa akin ang jinchuriki ng Kyubi." Tinuro niya si Naruto at sabay ngumisi ng masama.
Naruto's POV
Tinuro ako ng leader ng Akatsuki. I am surprised that he is one of Jiraiya-sensei student. Akala ko kasi ako lang at ang ika-apat na Hokage ang naging student niya, nagkakamali pala ako. Naiinis na ako sa gusto nitong Pain na ito. Laban ang gusto niya hindi kapayapaan. Magsasalita na sana si Pervy Sage kaso inunahan ko siya."Kahit na anong mangyari, hinding hindi nyo ako makukuha at magagamit sa gusto ninyo. Hindi kapayapaan ang gusto ninyong makamit, kundi giyera! Nasisiraan na ba kayo ng ulo? Gusto nyo ba na may masaktan para lamang makuha ang kapayapaan na nais ninyo?!" Pagsasabi ko na may halong inis. At tinawanan ako ni Pain na naging dahilan ng pagkalalong inis na naramdaman ko sa kanya.
"Hindi mo alam ang pakiramdam na mapabilang sa isang bansang maliit. Dahil ang mga katabing bansa namin ay malaki, kami ang naiipit sa tuwing mayroong digmaang nagaganap at marami sa amin ang nasawi. Kung makukuha kita, ang Amegakure ang magiging makapangyarihang bansa at makukuha na namin ang kapayapaan na matagal na naming ninanais." Sabi niya sa amin.
"Kung iyan ang gusto nyo, hindi nyo ito makukuha, dahil kahit anong mangyari kailanman ay hindi magiging sagot ang kapayapaan kung mayroon kang masasaktan at mapapahamak na tao." Sagot ni Sakura sa kanya, at agad na may lumusob na isa pang lalaki na mayroon ding parehong mata kay Pain papunta kay Sakura. Agad naman na prinotektahan ni Captain Yamato si Sakura gamit ang wood style technique niya.
"Dahil ayaw nyo ang pakiusapan, daanin natin sa madahas na paraan." Pagngisi ni Pain at may lumabas pa na 4 na kaparehas niya ng mata at may mga bakal na nakalagay sa katawan nila.
"Sila ang 6 paths of Pain." Pagsasabi ni Pervy Sage.
"Mukhang madami ka ng nalalaman sa amin Jiraiya-sensei." At agad naman sinugod si Pervy Sage na kanya namang nailagan agad. At sinugod din ako. Dahil diyan, biglang nahati kami sa dalawang grupo ng pakikipaglaban. Ang sinasabing Yahiko ni Pervy Sage ay nakikipaglaban sa kanila kasama ni Captain Yamato at Sai. At ang kasama ko naman ay si Kakashi-sensei at Sakura.
---------------------------------------------------
Author's Note:BBEEEEEEPPPPP!!! After a year nakapag-update ako guys🥲 Sorry dahil matagal ko ata kayong napaghintay. Medyo may personal reason lang ako kaya hindi agad ako nakapag-update ng mahabang panahon. Kasi honestly, hindi ko alam kung I am a good at writing this story ba. Kaya nagdoubt ako sa sarili ko. Pero here it comes, nag-update ako ulit. Just wait for another update. Medyo iniisip ay este iniimagine ko pa yung isusulat ko😂 Hey guys, comment kayo if you are Filipino 😁 Arigato gozaimasu min'na san! Ma tane! ☺️
YOU ARE READING
We Are One
FanfictionTsunade and Jiraiya are bestfriends since childhood. Tsunade met his lover Dan, but one day he died because of the Ninja War. Tsunade didn't know what to do. Until one day, she gave a chance to Jiraiya. Paalala: Ang istoryang ito ay fan-fiction lam...