Chapter Twenty Four

2.5K 84 38
                                    

PINAGMASDAN ni Ambrose si Amber na patakbo-takbo habang hinahabol naman ito ng mga kalaro. Nasa farm sila ng kapatid niyang si Anthony dahil birthday celebration ni Manang Josefina.

Natanaw niyang papalapit sa kanya ang matanda at naupo sa tabi niya sa hagdan.

"Kayong magkakapatid, parang pangpelikula ang mga buhay n'yo, ano?"

Napangiti siya sa narinig na iyon. "But it's all worth the pain, yes?"

"Mabuti si Athena ay tahimik ang naging buhay sa Amerika. She's happy over there. Mukhang ayaw maging La Cuesta talaga."

He laughed. How he missed his sister. Mukha ngang masaya na itong namumuhay sa Amerika bagama't hands on pa rin sa mga negosyo nila doon at sa Pilipinas.

"Mabuti na lang at hindi nakatuluyan ni Drew." Sabi niya nang matanaw ang paparating na si Andrew—best friend ng kapatid niyang si Marco.

"Naku! Mabuti talaga, eh, babaero 'yan, eh!" malakas na sabi ni Manang Josefina.

Nalukot ang mukha ng lalaki. "Sino'ng babaero? Ako?" itinuro nito ang sarili at naupo sa gilid ng matanda.

"Wala dito si Athena, hijo, nasa Amerika na." Paalala ng matanda sa lalaki.

Andrew laughed. "I came here for you because it's your birthday, old woman. Matagal ko nang kinalimutan si Athena. It was a one-night thing—"

Hindi nito naituloy ang nais sabihin nang makita ang pagkunot ng noo niya. Agad namang umalis sa tabi nila ang matanda at naiwan silang dalawa doon.

Tumanaw rin si Andrew sa mga batang naglalaro. "Athena and I never really got to that point, man."

"I know. She told me."

Napangiti siya nang makita sa bandang gilid ng mansiyon ang isang bultong nagtatago. It was Rocio. Sinisilip ba nito si Andrew? Noon pa niya napansin na sa tuwing bibisita sa farm si Andrew ay nag-iiba ang kilos nito. Iyon nga lang ay tila siya lamang ang nakakapansin niyon. Napatingin siya kay Andrew na clueless sa mga nangyayari.

"Hey, man, thanks for the ride that night when my wife and I left the hotel."

Tumango-tango ito. "No problem."

"Are you dating someone?"

Natawa ito. "Fuck that. I don't really...I mean, women come and go, you know? I just want to focus on the company. I got bigger responsibilities now and I don't need such nuisance."

"I see."

"But you know? If I need some sexy time...I know who to call. It's like that nowadays."

Sinulyapan niya ang bultong nakita kanina ngunit wala na iyon doon. Baka naman namamalikmata lang siya. Oh well...

"Watch your words," he reminded him when his daughter was running toward them.

"Tito Drew!" humalik ito sa pisngi ng binata bago yumakap sa kanya.

"Hey, you! My not so little Amber. How's the swimming lessons so far?"

Proud na proud na inabot nito sa lalaki ang hawak na mga bulaklak. "It's good. I'm a good swimmer now according to daddy."

"That's right," he agreed.

"That's awesome!" ani Andrew na animated ang reaksiyon.

"Yes, and Mama still swims like a frog."

Nagkatawanan sila sa narinig.

"Amber!"

Napalingon silang lahat nang makita si Wendy katabi si Marco at Monique.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon