ALAS-DIYES ng gabi at tahimik na naghuhugas ng mga kamay si Wendy sa lababo matapos niyang maglinis ng kusina. Talagang tinaboy niya si Rocio kanina para makapagpahinga na ito, isa pa, therapeutic sa kanya ang pag-uurong. Nakakapag-isip siya, nakakapag-relax. She loved washing dishes at alam iyon ng mga taong kilalang-kilala siya. Nagpunas siya ng mga kamay at pagtalikod ay muntik na siyang mapasigaw.
"Papatayin mo ba 'ko sa gulat?" napahawak siya sa kanyang dibdib.
It was Ambrose, nakasandal ito sa may hamba ng pinto ng kusina.
"That's not my intention," he said softly as he walked towards her.
Biglang nag-flashback sa kanya ang gabing may nangyari sa kanila nito. Tiningala niya ito at nakita ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi nito tila nasa isip rin ang bagay na iyon. She wondered how he thought of it now, pinagsisisihan ba nito iyon? Did he even think of it after?
"Nakatulog si Amber sa kuwarto ng mga pinsan niya. She's exhausted from playing all day." Sabi niya rito.
Tumabi ito sa kanya mayamaya. Naroon sila sa kusina, may kadiliman na ang paligid, and he was too close to her.
"She's happy. Tinanong pa niya ako kanina kung kailan daw tayo babalik ulit dito," anito at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng mga pantalon.
He looked so damn gorgeous. Nalalanghap rin niya ang pabango nitong paborito niya. It was too good, she wished she could bottle his scent. She also wished that she could lean close to him, grab his shirt collar, and kiss his lips. Pero hindi gawain iyon ng magkaibigan.
"Ngayon lang kita nasolo. You were too busy hanging out with your girls."
Parang nagsitaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa narinig mula rito.
"Na-missed namin ang isa't isa. Alam mo naman din si Rocio, napakaraming kuwento no'n. Tapos ito ring si Leila, marami ring kinuwento. First time maging mommy kaya maraming tanong sa amin ni Ate Monique. Kaunti nga lang ang oras namin kanina ni Manang Josefina, nagpaalam na matutulog na dahil sa pagod. I missed everyone. Lumalaki na ang pamilya dito sa farm at mas malaki, mas masaya."
Sinulyapan niya ito at nakitang pinagmamasdan siya nito. She smiled at him. Napagtanto niya sa sariling nawala na ang lahat ng naramdaman niyang galit para dito noon. It took a significant weight from her shoulders.
Mabuti na iyong ganito, malinaw sa kanya kung ano nga ba ang mayroon sila.
"Mas maraming bata, mas masaya," anito.
She shook her head. "Oh no, for me, ayoko na magkaroon ng isa pang anak in case na may lalaking..." hindi niya naituloy ang sasabihin.
Nakita niya ang pagkawala ng ngiti sa mga labi nito. Sumeryoso ang anyo nito at napabuntonghininga.
"In case na may lalaking dumating sa buhay mo. Iyon ba ang dapat na sasabihin mo?"
Hindi niya malaman ang isasagot doon. Tila may bikig sa kanyang lalamunan. The hurt in his voice couldn't be ignored. Wait...why would he be hurt?
He looked away. "Right. Good night, Gwen."
"Ambrose... kung may babaeng dumating sa buhay mo, magiging masaya rin ako para sa 'yo. Deserve mong maging masaya."
Hindi tumitingin sa kanyang napabuntong-hininga ito. "That's not what I saw when you met Diane."
"Ambrose... I'm sorry—"
"Good night, Gwen."
Magsasalita pa sana siya nang bigla na itong lumakad palayo. Did she just hurt him with her words?
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomanceCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...