AMBROSE felt that he could go back to work anytime pero hindi nagpatalo ang mga kapatid niya insisting that he needed to stay home to fully recover. Ang gusto na lang niya ay makabalik na agad sa trabaho. He probably had missed a lot of work because of what happened. But if he was being honest, he was glad to still be alive despite it. If he might have forgotten some facts in his life, he was happy that he did not forget about his family. Iyon nga lang ay may mga asawa na pala ang kanyang mga kapatid. Monique was Anthony's wife and Leila, whom he already knew was Marco's wife now. Mabilis na nakagaanan niya ng loob ang mga ito at ipinangako pa ng mga itong tutulungan siyang maalala ang lahat.
How about him? May asawa na ba siya? Ang alam niya lang ay may anak na siya...Amber ang pangalan.
"Sir, nabanggit sa amin ni Sir Anthony ang kalagayan mo, nagpapasalamat kami at natagpuan kang buhay, Sir. Ako nga pala si Noel, and driver mo."
Tumango lang si Ambrose sa narinig mula sa matandang lalaki. Umibis siya ng sasakyan at agad na nabungaran ang tatlong matatandang babae na nakahilera sa front door ng isang magarang bahay.
My house.
Hindi na niya aaksayahin ang panahon na tanungin ang sarili kung ano ang mga dapat niyang tanggapin bilang parte ng kanyang pagkatao na nabura.
Napansin niya ang babaeng nasa unahan ng matatanda, she looked young, and incredibly attractive. Nakasuot ito ng kulay dilaw na summer dress. Bagama't may nakikita siyang bahid ng kasiyahan sa mukha nito, her eyes seemed to be...sad at the same time.
Nagpakilala sa kanya ang tatlong matatanda.
"It's nice to meet all of you, again." Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry. Please give me time to know all of you again. Pasensiya na kayo."
Lumapit sa kanya ang dalaga at umangat ang kamay nito para hawakan siya sa braso. The warmth of her hand felt somehow familiar. Her eyes roamed around his face as if she couldn't believe of him standing right in front of her.
"Magpahinga ka na muna, siguradong marami kang tanong but...we have all the time to answer all of your questions."
"S-sino ka?" tanong niya.
Bago pa man ito makasagot ay nauna na si Mang Noel. "Ang iniirog mo, Sir."
Napatitig siya sa dalaga. "Is it true?"
She slightly nodded. "Hindi mo lang matandaan..." mahinang usal nito, bakas sa tinig ang pagdaramdam.
"I'm sorry..."
"Gwen. Iyon ang tawag mo sa 'kin. But everybody else calls me Wendy."
He slightly smiled at her. "You look like a Gwen to me."
Nakita niya ang pag-awang ng bibig nito na tila may sasabihin ngunit nagbago ng isip. She pressed her lips.
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang tila pagbulungan ng tatlong matatanda. She released her hand from his arm and a strange longing filled his chest.
"Daddy!"
Awtomatikong hinanap ng mga mata niya ang munting tinig na narinig and there he saw a little girl running toward him. Galing ito sa isang gilid at malamang ay sa garden ng mansiyon dahil may hawak itong mga bulaklak.
He squatted in front of her. "Hi," masuyong bati niya dito.
"Daddy! This is for you." Iniabot nito sa kanya ang mga bulaklak. He took them.
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
רומנטיקהCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...