AFTER one month...
Pababa ng hagdan si Wendy nang matanaw na bukas pa ang ilaw sa bandang pool area, few more steps toward the sliding door, she saw Ambrose sitting on the couch next to the garden. Mukhang umiinom ito. Matapos na magbasa ng bedtime stories sa anak nila ay doon ito dumiretso? Did he need some alone time?
Ilang minuto siyang nag-isip kung pupuntahan ba ito o hindi. She sighed. Bakit ba siya nakakaramdam ng tila lungkot para dito? He seemed unhappy. Nakita niya sa mga mata nito kanina ang tila kakaibang emosyon at kung para saan ay hindi niya alam...
Ayaw naman niyang mag-usisa. Wala siyang karapatan. Ang tanging kaugnayan lang nila ay bilang mga magulang ni Amber. Ni hindi sila nito magkaibigan.
Isang buwan ang matuling lumipas na halos hindi sila nag-uusap nito. She was respecting his privacy. Hindi siya kailanman nagtanong ng kung ano tungkol sa trabaho nito, tungkol sa personal nitong buhay. Basically, they just talked when it was about their daughter.
Dahil iyon ang hiling niya na nirerespeto nito. At dahil iyon ang dapat. Pero bakit parang sa prosesong iyon ay tila unti-unti niyang nakikita ang kakaibang kalungkutan dito. At tila...unti-unti ring lumalaki ang kahugkangan sa kanyang puso.
*****
Mula sa tila mga nagsasayaw na liwanag na tumatama sa tubig ng pool ay nag-angat ng tingin si Ambrose sa taong papalapit. It was Gwendoline, nakasuot ito ng kulay pulang roba na hindi umabot sa mga tuhod nito. Nakayakap rin ito sa sarili. Malayang nilalaro ng hangin ang buhok na lagpas sa mga balikat.
"H-hindi ko gustong g-gambalain ka. Maybe you want to be alone..."
Her eyes were too focused on him, he had to avoid them. Bahagya niyang tinapik ang espasyo sa kanyang tabi, kahit pa alam niyang tatanggi naman ito. And when she did not, it kind of relieved him.
"If this is too close, puwedeng—"
"Okay lang, Ambrose. Okay lang."
Halos isang dangkal lamang ang layo nito sa kanya at nalalanghap niya ang shampoo na ginamit nito. It was a sweet smell of coconut and he realized how much he loved it.
"Ang bilis ng panahon...mahigit isang buwan na kami dito," wika nito, tila kausap ang hangin.
Itinaas niya ang baso dito. "Do you drink?"
Ilang sandali itong tila nag-isip bago tumango.
"Do you mind sharing this glass with me?" he asked her.
"Okay lang," anito na iniwas ang tingin sa kanya at itinuon sa pool.
"Yeah, parang kailan lang noong nagpunta ako ng Mindoro. Noong una kong nakita ang anak ko. It made me so happy. She makes me happy every single day. Kung alam mo lang..."
"Si Amber rin naman...mas lalong naging masiyahin. Kahapon lang, nagpasalamat daw siya kay Lord na kasama na niya ang Daddy niya. It brought me tears. Ngayon ko labis na naunawaan kung gaano kasakim 'yung ginawa ko."
Wala siyang sinabi at hinayaan na lamang na lumipas ang maraming sandali. He did not feel obligated to respond, pakiramdam niya ay nagkakaintindihan sila kahit walang nagsasalita sa kanila.
"Sorry ha? Hanggang ngayon, wala pa rin akong trabaho at nakaasa kami sa 'yo. Hayaan mo, kapag nakapagtrabaho na 'ko, tutulong ako sa 'yo," wika nito at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomanceCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...