Chapter Ten

1.1K 51 3
                                    

"MAMA, can I blow your candle?"

Tawanan ang lahat sa tanong na iyon ni Amber. Nakapalibot silang lahat sa mesa at nakatunghay sa cake na nasa gitna. It was the lemon cake they baked earlier. She decorated it with vanilla flavor icing and finished it with lemon zest on top. May isang kandila na nakatusok sa pinakagitna niyon.

"No, baby, Mama will blow her candle and when it's your birthday, it'll be your turn. Okay?"

Tumango si Amber sa paliwanag na iyon ng ama nito. Masayang kumanta ang lahat ng happy birthday song para sa kanya. She only wished that her mother was there to celebrate with them.

Before she blew it, Ambrose said to wait for a second.

"Bakit anong meron?" sinundan niya ito ng tingin.

Nagtungo ito sa isa sa mga silid at mayamaya ay narinig na niya ang boses ng kanyang ina.

"Nay!?"

"'Nak!"

"Lola!" sigaw naman ni Amber.

Nangilid ang kanyang mga luha at sinalubong ito ng yakap. Ganoon rin ang ginawa ni Amber. She was so happy she had to wipe her tears.

"Paano?"

Ambrose just smiled at her. After singing again, nag-slice na siya ng cake. And everybody went crazy as they loved the cake so much.

"Wow! This is the best cake I've ever tasted in my whole life!" ani Ambrose na nanlalaki ang mga mata.

"Oo nga! Grabe sa sarap!" wika naman ni Manang Aurea na tinanguan ng dalawa pang matanda.

"Masarap nga anak, parang punong-puno ng pagmamahal," anang ina niya.

"Mama, this is yummy!" sabi naman ni Amber.

She smiled, masaya ang puso niya. At pakiramdam niya ay wala na siyang mahihiling pa.

Matapos ang simpleng selebrasyon ay naupo si Wendy sa gilid ng pool katabi ang kanyang ina. Nakangiti ito sa kanya na para bang may nais sabihin.

"Sabihim mo na 'Nay, ano ba 'yon?"

"Mukhang mabait si Ambrose. Biruin mo, ipinasundo ako sa Mindoro at sumakay ako ng helicopter. Nakakatakot, 'Nak pero safe naman pala."

"Hindi ko rin akalain na gagawin n'ya 'to."

Nginitian siya ng ina bago nito inilibot ang tingin sa paligid. "Sa tingin ko, mahal ka niya."

"Ha? Saan mo naman nakuha 'yan, 'Nay? Malabo 'yan."

"Hindi mo ba napapansin? Iba ang tingin sa 'yo. Anak, hayaan mong maging masaya ang puso mo. 'Wag kang matakot na magmahal at magtiwala ulit."

Hindi siya nagsalita. Gusto man niyang hayaan ang pusong magmahal at magtiwala ulit, hindi naman niya alam kung ganoon rin ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya.

*****

Nangunot ang noo ni Wendy nang habang abala siya sa binabasa sa monitor ng computer ay napansin niya ang paparating na lalaki. Sinabi ng kanyang team lead na i-review niya ang quality checklists. At hindi muna siya sasabak sa inspection bagkus ay mag-o-observe na muna ng ilang araw.

Ilang beses siyang kumurap-kurap.

"Rodel?" malakas na tawag niya dito.

Lumingon-lingon ito sa paligid hanggang sa nakita na siya.

The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon