NAPATIGIL si Wendy nang matanaw na bumukas ang front door at pumasok si Ambrose. Sinalubong ito ng anak ng yakap. Bumalik siya sa kusina. Inasikaso niya ang ginagawa na hindi manlang ito tinapunan ng tingin. Ang katabing si Manang Aurea na abala rin sa paghihiwa ng mga gulay ay tila naramdaman ang pag-ignora niya sa lalaki.
"Kamusta ang unang araw mo sa trabaho, Wendy?" tanong ng matanda.
"O-okay lang ho. Puro review lang halos ang ginawa ko. Hindi pa ako puwedeng mag-inspection dahil kailangan muna akong i-training." Simpleng sagot niya.
"Oh, I didn't know that they do trainings inside a conference room, that's new," sabad ng lalaki na karga na ang anak. "Go, baby, just play with your toys, I'll be there."
Ibinaba nito ang anak at tumakbo na pabalik sa salas ang bata.
"Minsan siguro," aniya na hindi pa rin ito tinitingnan at hinarap ang paghahalo ng sauce sa pan.
"Oh really? I didn't know that." Sarkastikong wika nito.
Tila nakakaintinding nagpaalam muna ang matanda na makikipaglaro lang kay Amber sa salas. Napabuntonghininga siya. Wala siya sa mood na makipag-away sa lalaking ito ngayon.
Sa wakas ay hinarap na niya ito. "Nakikipag-away ka ba? Ano'ng problema mo?"
Napasinghap siya nang pasadahan ito ng tingin. How come he looked hotter every time she saw him? Guwapo na ang lakas pa ng sex appeal. Puwede pala iyon?
"No, I'm just talking."
Napailing siya. "This is not about Amber. Bakit natin kailangang pag-usapan 'to? Are you having a bad day?"
Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. Mukhang galit na galit ito sa kanya.
"All right. Is this about Diane?" he asked.
Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya sa narinig. "Ano?"
"Because I'm...d-dating and you also have to date someone?"
Natawa siya sa narinig. She turned off the stove. Hinugasan ang mga kamay at nagdire-diretso paakyat sa hagdan. And she thought that he would just leave her alone, iyon pala ay nakasunod ito sa kanya sa kanyang silid. He locked the door behind him.
Hinarap niya ito. "Look, wala akong pakialam kung may karelasyon ka. Bakit kailangan mong pakialam ang sa akin? Ano bang kinagagalit mo?"
Nangunot ang noo nito. "So, you are dating that dude you just met?" tila hindi makapaniwalang bulalas nito. "May nalalaman ka pang paano ko ipapaliwanag sa anak natin ang sitwasyon namin ni Diane 'yun pala ay...practice what you preach, lady! You are doing the exact same thing!"
She closed her eyes for a second. "Ano ba ang pakialam mo? Tsaka, kababata ko 'yon. Matagal ko nang kilala. Two years na nga kami 'di ba? Teka nga, are you drunk?"
Hinila niya ang kurbata nito at doon niya nalanghap ang amoy ng alak.
"Lasing ka nga!"
"I'm not drunk. Just answer me. Are you really dating that dude? 'Yung totoo, Gwen!"
Umiling siya. "Oo na, inaamin ko na, hindi. Okay na? Masaya ka na?"
Hindi ito nakasagot.
"Hindi pa." sabi niya para lang ba malaman ang magiging reaksiyon nito.
Kumunot ang noo nito, nagpamaywang, kapagkuwan ay isinuksok ang mga kamay sa mga bulsa ng pantalon. Nakatupi ang mga manggas ng kulay abong polo nito hanggang sa mga siko. And his uneven black tie completed the look. Paano na ang pagpipigil niya?
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomanceCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...