AMBROSE opened his eyes slowly. Nasaan siya? He couldn't remember anything that had happened. Kita niyang tila siya ay nasa isang silid. He touched his forehead, nakabenda iyon. Ano ang nangyari sa kanya? He tried to remember but failed, sumakit lamang ang ulo niya nang pilitin ang sarili.
Bumukas nang marahan ang pinto ng silid at nakita niya ang isang matandang babae na pumasok. Dire-diretso ito sa bedside table, kinuha ang basong naroon na may lamang tubig na animo ay hindi manlang nabawasan atsaka pinalitan ng panibagong baso na may laman ring tubig. Saglit siyang tinapunan nito ng tingin kapagkuwa'y nabitawan ang hawak na baso.
"Diyos ko! Hijo! Nagkamalay ka na!"
"Manang Josefina..." bigkas niya sa pangalan nito. "Nasa'n ako?"
"Nasa bahay ni Anthony."
"I'm in the farm?"
"Dito sa Maynila, Ambrose. Lumuwas kaming lahat dito."
"What happened? Why am I here?"
"Anthony! Marco! Ang kapatid n'yo! Anthony!"
Nagtatakbo ito palabas ng silid at mayamaya pa ay nakarinig siya ng mga boses, mga yabag at mga usal ng panalangin.
"You never fail to amaze us, brother!" naiiling na sambit ng kanyang kapatid na si Anthony habang pinagmasdan ang kanyang mukha. "Well, you've got some bruises and stitches, but you look good."
"Hindi nabawasan ang kaguwapuhan," ani Manang Josefina na naiiyak na.
"Alalang-alala kami sa 'yo, Kuya, we searched for you for almost four days. Sa isang isla ka natagpuan. The good thing is, may mangingisdang nakakita sa 'yong palutang-lutang sa dagat. Akala ay patay ka na—"
"Take it easy on him, man." Sansala ni Anthony sa kanilang kapatid.
Pinilit niya ang sariling maupo ngunit biglang tila nanakit ang buo niyang katawan. He still couldn't remember what had happened to him.
"Gusto mo bang tawagan ko si Wendy? Ipinahatid ko pauwi dahil nga kailangan rin niyang makapagpahinga. She's been up for days."
Nangunot ang noo niya sa narinig. "Who's that?"
Then Anthony and Marco looked at each other. Nakita rin niya ang biglang pagkalito sa mukha ng matanda.
"Am I dating someone?" he asked, slightly smiling.
"Y-you don't remember her?" Marco asked.
"No. I don't even remember why the fuck I'm here in this bed badly injured."
"And Amber?"
Mas lalong nangunot ang kanyang noo. "Am I dating her, too? I have no idea. I've been with a lot of women. Hindi ko kailangan i-memorize ang lahat ng pangalan nila."
Napangiwi si Marco. "She's your daughter."
"What are you talking about?"
Nakita niyang napahawak sa bibig ang kapatid na si Anthony at si Marco naman ay biglang napailing. What the hell was happening? He had a daughter? Did he miss anything mula nang makabalik galing sa business trip niya sa New Zealand? Yes, he was back as La Cuesta Corporation's CEO at hindi niya maintindihan at malaman ang dahilan kung bakit siya nasa kamang iyon sa bahay ng kanyang kapatid na si Anthony. And what the hell Marco was saying, natagpuan siyang palutang-lutang sa dagat?
"Call Dr. Ruiz, Marco." Utos ni Anthony sa kapatid nila.
"What's happening?" he asked. "I have a daughter? Where is she? Am I married? Can somebody explain to me what's going on? Ano'ng nangyayari? Bakit wala akong maalala? Explain it to me! Damn it, what the fuck is happening?"
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomantizmCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...