Napasinghap si Wendy nang humilera sa harap ng front door ng isang mansiyon ang tatlong ginang na tila mga kasambahay at isang may edad na lalaki.
Karga ni Ambrose ang anak nila na nakatulog na sa balikat nito. Looking at him, she thought that he really liked being a father.
"Manang Susan, Manang Aurea, Manang Marieta, si Wendy...she will stay in my house and this is our daughter, Amber," he glanced at her. "At si Kuya Noel ang driver."
"Kamusta ho kayo?" Magalang na tanong niya sa mga ito.
Nakangiting kinamayan niya ang mga ito at nakangiti rin ang mga ito sa kanya. Mayamaya ay pumasok na sila sa loob ng mansiyon at itinago ni Wendy ang pagkamagha. Mataas ang ceiling ng dining area at sa pinakasentro niyon ang napakagandang chandelier na animo ay napapalamutian ng diyamante.
Halos kalahating porsyente ng kabuuan ng mansiyon ay gawa sa salamin. She could see the huge pool from afar. Beside it is the garden, malinis at maganda ang landscaping niyon at maraming bulaklak sa paligid. Halatang may hardinerong nagmi-mintina niyon.
When Ambrose walked upstairs, she followed him. Kasunod rin niya ang dalawa sa mga kasambahay na may bitbit ng kanilang mga bag. Hindi niya napigilan ang sariling mapasinghap nang masilayan ang kakisigan nito habang nakasunod dito. She could tell that he was taking care of his body, kitang-kita iyon sa biceps nitong tila kay sarap hawakan.
Then she closed her eyes for a second. Talaga bang naisip niyang masarap hawakan ang...she shook her head,
She must be nuts!
He pushed one of the doors. Bumungad sa kanya ang kulay pink at yellow na interior sa loob ng silid. Kasinglaki na yata ng bahay niya sa Mindoro ang silid na iyon para kay...Amber? She looked at Ambrose.
"Ito ba ang..." nasambit niya.
"Yes," sabi nito.
Ni hindi manlang ito nakangiti. Ibinaba nito ang anak sa kama at kinumutan. Nang masigurong kumportable si Amber ay sumunod siya rito hanggang sa buksan nito ang isa pang pinto.
"This is your room," anito.
Umiling siya. "Puwedeng sa maid's quarter na lang ako—"
"There is no such thing in my house. Ang mga silid sa baba ay para sa mga kasambahay. You don't like this room?"
Hindi siya makapagsalita. It was too big for her. Mayroon pang sariling banyo iyon sa loob. Para siyang naitulos sa kanyang kinatatayuan at hindi malaman ang dapat na sasabihin.
He looked at her as if she were an alien with two heads.
"Well?"
"Hindi ko lang maisip na—"
"Follow me," anito.
Naglakad itong muli at sinundan niya. Binuksan nito ang pangatlong silid sa itaas at tumambad sa kanya ang isang maaliwalas na silid. She liked it better. Walang halos kagamitan iyon at puting-puti ang kama. Simple at magaan ang pakiramdam niya roon. May sarili rin iyong banyo. Agad niya iyong nagustuhan.
Her smile was very wide she had to press her lips together when Ambrose looked at her.
"Okay then, you can use this room. It has the view of the pool and garden."
Wala siyang maisip na sabihin dito nang buksan nito ang pinto ng katabing silid. Pinigil niya ang sariling sumilip roon.
"This is my room, if you need anything, you can call me."
Napalunok siya. Mukhang isang masamang ideya na ang silid niya ay ang katabing silid nito. But it was too late to change her mind when he excused himself already.
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomanceCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...