ABALA si Wendy sa kanyang restaurant nang mapansin ang isang grupo na pumasok roon. It was lunch time, halos walang bakanteng mesa ngunit nagpareserve pala ang mga ito. Hindi niya ipinahalata ang gulat at takot nang malaman kung sino ang nagpareserve niyon at agad na nagtungo sa kusina.
Hinila niya ang waitress nang pumasok ito sa kusina.
"Sino ulit 'yung nakareserve sa table number eight?" mahina niyang tanong.
"Governor Hernan daw Ma'am. He's also requesting to see you. Kilala n'yo po ba siya?"
Napalunok siya sa narinig. Tinanaw sa maliit na siwang sa kitchen ang table ng lalaking kasumpa-sumpa. Nakita niyang tumatanaw rin ito sa kusina. Nakaupo ito at nakapalibot naman dito ang apat na tauhan. Pawang nakaputi ang apat. Ang gobernador naman ay nakasuot ng kulay itim na polo na halos pumutok na sa laki ng tiyan nito.
"Ma'am, okay lang kayo?" untag sa kanya ng waitress.
"Yes, Mitch, I'm okay. Sinabi mo bang narito ako?"
"Sinabi ko pong iche-check ko kung pumasok kayo. Hindi ko kasi kayo nakitang dumating so I wasn't sure."
Tumango siya. "Good. Please tell him that I'm sick and I did not go to work."
"Okay po."
Tumalikod na ito at lumabas ng kusina. Nakita niyang napatingin sa kanya ang isa sa mga chef, nginitian niya ito.
"Okay ka lang Ma'am?" tanong ni Paul.
"Yes, chef."
"Parang tinakasan ng kulay ang mukha mo, eh."
"Just continue what you're doing. I'm okay."
Napilitan itong ipagpatuloy ang ginagawa. When Mitch came back, she grabbed her in the corner again.
"Ano'ng sabi?"
"Naku Ma'am, mukhang may tama sa inyo 'yon, may ipinapabigay na bulaklak, para daw sa asawa n'yo. Sinabi na sana daw ay makatulong sa pagluluksa mo. Hanggang ngayon po ba Ma'am, hindi pa rin nahahanap si Sir Ambrose?"
Umiling siya. Ngayon higit kailanman niya naiintindihan kung bakit nais ni Anthony na ilihim ang pagbabalik ng kapatid nito.
Kinuha niya ang bulaklak at naglakad palabas ng kitchen. Nakita siya agad ng lalaking kinasusuklaman niya.
"My oh, My! I thought that—"
"I came from the back door. Masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumasok. What are you doing here?"
Napatayo ang lalaki sabay inilibot ang tingin sa paligid. "Is that how you treat your customer?"
Napahinga siya nang malalim. "Did someone help you already?"
Napangiti ito. His smile was disgusting.
"Yes. In fact, I ordered a lot of food. By the way, I'm sorry for what happened to your husband. Nakikiramay ako."
Iniwas niya ang tingin dito. "I'll just double check kung inihahanda na ang orders n'yo."
"Not too fast, Gwendoline Salazar."
Nabitin ang sana ay pagtalikod niya sa narinig. "Governor, if you may excuse—"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I really like you. Life is too short, hindi ba? Besides, balo ka na naman. Maybe...you can give us a chance? Besides, may utang ka pa sa akin." Magiliw na wika nito. Halatang hinihinaan ang boses para hindi marinig ng ibang mga customers.
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomansaCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...