BIGLANG naging hyperaware si Wendy nang matanaw na papalapit si Ambrose sa kusina. Abala siya at ang kanyang anak sa pagluluto at pagbe-bake. Nakasalang sa oven ang dalawang roasted chicken na recipe niya. Habang hinihintay iyon ay nagpagpasyahan nilang mag-ina na mag-bake ng lemon cake. It was her birthday. Madaling-araw pa lang ay nakausap na niya ang ina at binati na siya nito. Magluluto raw ito ng pansit mamaya at ipapamigay sa mga kapitbahay. Gusto man niyang makasama din ito sa kanyang kaarawan ay hindi naman maaari.
"Mama, do I put this one na?" Amber asked.
Para siyang natauhan nang marinig ang munting boses ng anak. Hindi niya napigilang hangaan ang lalaking nakalapit na sa kanila. Mukhang kaka-shower lang nito, nakasuot ng kulay asul na sweatpants at tinernuhan ng kulang abong T-shirt na bahagyang hapit sa katawan nito. He looked breathtakingly handsome.
Napatingin siya sa anak na nakasampa sa mesa.
"Yes, dry ingredients first, okay?" masuyo niyang utos dito. "Dahan-dahan lang and then you mix them nice and easy."
Lumapit dito si Ambrose at pinanggigilan ang anak bago siya tinapunan ng tingin.
"Hey, matapon naman 'yung mixture namin." Saway niya dito.
He grinned at her. "What are you guys doing?" tanong nito na nakapaloob sa mga bisig si Amber na abala sa paghahalo ng mga dry ingredients sa malaking bowl.
"Baking, Daddy!" sagot ni Amber. "It's Mama's favorite cake."
"Oh, yes?"
"Lemon cake is yummy! Do you also like lemon cake, Daddy?"
"If Mama likes it, I like it, too." Sagot nito sa anak.
Masama ang naging tingin niya dito. What was he trying to do? Bahagya siyang lumayo nang masamyo ang after shower scent nito. Para iyong nanunuot sa buong katauhan niya.
"Ay! Nakalimutan ko magpiga ng lemon juice!" aniya para maibaling sa iba ang atensiyon ng lalaki.
Kung bakit ba naman kung makatitig ito sa kanya ay para siyang lalamunin ng buhay. She was wearing a simple blue summer dress. Itinerno niya doon ang kanyang paboritong necklace na bigay nito noon sa kanya. Ewan lang niya kung naaalala pa nito iyon. Naka-bun style rin ang kanyang buhok. She applied a light make-up. Sabi ni Manang Aurea kanina ay mukha daw siyang mas sariwa pa sa mga gulay na tanim nito sa backyard. Tinawanan niya ang compliment nito na iyon.
"I can help," ani Ambrose at humanap ng lemon squeezer sa mga drawer.
"Hindi ko rin mahanap ang lemon squeezer. Ikaw na ang dumiskarte," aniya inilapit dito ang dalawang lemon at ang isang bowl, "I trust your muscles," aniya sa lalaki na nagpahagikgik kay Amber.
"Daddy, you have big muscles. You're like that superhero I saw on TV!"
"Binobola mo ba 'ko?" Masuyong biro nito sa bata at pinanggigilan ulit ito.
Kay sarap pagmasdan ng mga ito. Ang dami pala nitong hindi mararanasan kung sakaling hindi sila hinanap ni Ambrose. Nakakakonsensiya.
"Yeah, you're right, anak. Daddy is like that superhero." Hindi nag-iisip na sabi niya.
Ambrose smiled at her. Mukhang nagustuhan nito ang sinabi niyang iyon. A few minutes later, isinalang nila sa isa pang oven ang lemon cake. Matapos siyang tulungan ni Manang Susan sa paglilinis ng kusina ay naupo siya sa couch. Busy ang mag-ama sa story telling sa isa pang couch na naroon.
Tiningnan niya ang mga mensahe sa kanyang cell phone at napangiti. Bigla siyang bumulanghit ng tawa sa nabasang text ni Leila. Wish daw nito ay mabiyayaan siya ng 'birthday sex ngayong araw. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang biglang pagkunot ng noo ni Ambrose.
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomanceCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...