BUMUNTONGHININGA si Wendy habang nakikinig sa paulit-ulit na paliwanag ni Leila.
"Leila, nangyari na ang kinatatakutan ko. Wala nang saysay kung magso-sorry ka pa. Pero alam mo? I wanna kill your husband!"
Natawa ito sa kabilang linya. "Trust me, muntik ko na magawa 'yon sa kanya! But, really, sorry na please? Sorry na rin daw sabi ng asawa ko. Puwede mo raw siyang suntukin the next time na magkita kayo."
She sighed and looked outside the window. Malalim na ang gabi at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
"Wendy?" ani Marco sa kabilang linya.
"Yes?" umirap siya kahit wala naman ito sa harap niya. Gusto niyang suntukin talaga ito sa mukha!
"I'm really sorry. I know that I was such a jerk for telling him the truth. Nakokonsensiya lang talaga ako and I was a little bit drunk."
Rinig na rinig niya ang sinseridad sa tinig nito. Nangyari na ang kinatatakutan niya kaya ano pa ang saysay na patuloy siyang magalit sa mga ito? Isa pa, malaki ang utang na loob niya sa mga La Cuesta. Dahil sa mga ito, nakapagpagawa siya ng bahay, natulungan niya ang ilan niyang mga kamag-anak noong may mga nagkasakit sa mga ito. Mababait ang mga ito sa kanya at itinuring siyang kapamilya.
"Okay na, napatawad ko na kayo. Nangyari na, eh. I'm sorry din kung dinala n'yo 'yung bigat ng sikreto ko. It must have been hard for you guys. Sorry din Sir Marco."
"Thank you so much, Wendy! Makakatulog na ulit ako sa kama!" masayang-masayang sambit nito.
"What? Grabe naman si Leila!" hindi niya napigilang sabihin at narinig niya ang malakas na tawa ng kaibigan sa kabilang linya.
"Hoy, ano ka! Kulang pa 'yon sa inis ko sa kanya, noh! Sinabihan ko na talaga na mag-sorry na nang bonggang-bongga sa 'yo dahil nami-miss ko na rin may katabi sa pagtulog." Wika ni Leila sabay tawa. "Iba pala talaga kapag nahanap mo na ang tinatawag na 'the one', Wendy."
"Mukhang masayang-masaya ka na, Leila. I'm happy for you. Deserve mo 'yan." aniya.
"Ganito pala 'yung feeling kapag nasa tamang tao ka. Pakiramdam ko...wala nang kulang sa buhay ko. I'm complete."
Napangiti siya sa narinig na iyon mula sa kaibigan. Masaya siya para dito at kasama na nito ang taong mahal.
"Kilig naman ako, love!" hirit ni Marco na nakaabot sa pandinig niya.
"Kayo na ang in love! Sige na, lovebirds, baka nakakaistorbo na ako sa inyo. Alam ko busy kayo." Talagang diniinan niya ang salitang 'busy' at narinig niya ang tawanan ng mga ito.
"Hey, Wendy. I'm excited to meet my niece." Sabi ni Marco.
"Oh, love, napakaganda niyang bata. Manang-mana kay Kuya Ambrose." Sabi naman ni Leila.
"All right, guys. Sige na, magpahinga na kayo."
Nagpaalam na sila sa isa't isa at napatulala si Wendy pagkatapos. She was so happy for Leila, masayang-masaya ito sa piling ng asawang si Marco. Pati si Monique ay pinalad rin nang makilala si Anthony. Ganoon siguro talaga, may mga taong suwerte sa pag-ibig. Hindi katulad niya. First time nahulog, sa maling tao pa.
Pababa ng hagdan si Wendy nang matanaw niya ang pagbukas ng front door. Ambrose just got home from work.
Isang linggo na rin silang nakatira sa pamamahay nito at mula noong huli nilang pag-uusap ay nagawa niyang iwasan ito. But not this time, he saw her just as she saw him.
Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib. She was not wearing any underwear underneath her lingerie. Gusto niyang sabunutan ang sarili kung bakit hindi naisipang mag-bra manlang bago bumaba para kumuha ng maiinom na tubig.
BINABASA MO ANG
The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)
RomantizmCEO. BILLIONAIRE. That is Ambrose La Cuesta. And the father of her child. Never in Wendy's wildest dreams that she, a probinsyana, would meet someone like Ambrose. They clicked, they had the best love at the wrong time and she got pregnant. Iyon nga...