Chapter Eight

1.1K 50 11
                                    

(A/N  Hello, I would like to say thank you sa magagandang feedbacks. Alam kong kaunti lang kayong readers ko and I want you to know that I appreciate each of you. For taking some time from your busy lives to read my novels. As long as there's one person reading my works, I'll keep on writing. Ingat kayo lagi. I'll update as soon as I can. Thank you.)


*****

GABING-GABI na ay hindi pa rin makatulog si Wendy kakaisip kay Ambrose. She wanted to see him, she missed him so much. Isang linggo na ito sa England at araw-araw ay hindi naman ito nakakalimot na tumawag. But he only talked to Amber during those times. Tinatanong lamang siya nito kung ayos lang ba ang lahat at kung may kailangan sila. And she would only answer, 'okay lang', and 'no, we're good'.

But deep inside, she was longing for him. She wanted to see him so bad. She wanted him to talk to her on the phone, talk to her about his day. At gusto rin niyang ikuwento dito ang mga araw niya. Katulad na lang noong nagtanim sila ni Amber ng iba't-ibang buto ng gulay sa isang gilid ng garden. It was fun. Pati na rin ang pagsu-swimming nila kanina kasama ang tatlong kasambahay kahit hindi naman siya marunong lumangoy at halos nakaupo lang sa gilid ng pool. Ang saya-saya nila and she missed Ambrose so much.

But she didn't even know what kind of relationship they had. Hindi niya alam kung saan niya ilulugar ang sarili sa bahay nito. Magkaibigan na ba sila nito?

She sighed. She was about to switch off the lights when her cell phone vibrated. Nangunot ang noo niya. It was a new number.

"Hello?"

"Hi," anito sa kabilang linya.

Parang biglang lumukso ang puso niya nang marinig ang boses nito. Napaupo siya sa gilid ng kama.

"Hey, akala ko hindi ka na makakatawag ngayon. Nakatulog na si Amber. Sinabi kong baka nasa trabaho ka pa and she's okay, naintindihan naman n'ya."

"I'm sorry. I left my phone in the cab. Bumili ako ng calling card to call you guys."

"Oh," aniya.

"Yeah..."

Napakagat-labi siya. "Ambrose?"

"Yes?"

Napahugot siya nang malalim na hininga. Hindi niya malaman kung paanong magsisimula.

"P-puwede ba tayong mag-usap pag-uwi mo?"

Narinig niyang tila may biglang nahulog na kung ano sa kabilang linya.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Yeah, um, I was just having a drink, natabig ko lang 'yung baso. What was that again?"

"Ang sabi ko...kung puwede ba tayong mag-usap pag-uwi mo?" mahinang ulit niya.

Natahimik ito sa kabilang linya at narinig niyang malalim ang naging paghinga nito.

"What is it about?" he asked her.

Nasapo niya ang noo. Bakit ba niya nasabi ang mga iyon dito? What was she thinking?

"Ah...about...Amber?"

"About Amber," anito na tila hindi naniniwala. "Are you sure it's about her?"

"Ha? Ano kasi...um, ano...ah—"

"Just tell me what it is."

She sighed. "I can't."

Matagal na katahimikan ang nanaig sa pagitan nila at nagkasya na lamang siyang pakinggan ang mabining paghinga nito sa kabilang linya. Nahiga siya, nakatitig sa kisame at nasa isip ang guwapong mukha nito.

The Self-Made Billionaire Series 3 Ambrose La Cuesta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon